Undress My Love

Prologue

Pinilit nyang pumikit. Matulog. Para panandaliang alisin ang sakit.  Nahimatay sya matapos matanggap ang isang balitang nagpaguho sa mundo nya. Ang hindi inaasahang pagkawala ng pinakamamahal nya.

Masyado nyang mahal ang lalaki. Hindi nya matanggap na wala na ito. Bawat ngiti, bawat biro nito, bawat pang-aasar nito sa kanya, bawat yakap nito, bawat halik nito namimiss nya. Binigay nya ang halos lahat dito pati ang sarili nya kaya ngayon bigla syang umasa na sana magbunga ang nangyari sa kanila ng isang anghel. Namimimiss nya ito ng sobra. Na kahit anong gawin nya hindi kayang tanggapin ng sistema nya na wala na ito. Gusto nyang umasa na babalik ito pero lalo nya lang sinasaktan ang sarili nya. Kaya hanggang kailan sya maghihintay at masasaktan?

Chapter 1

            "Bakit nandito na naman kayo?" May bahid ng inis na tanong nya sa taong kanyang pinagkatiwalaan mula ng magkamuwang sya sa mundo pero sya rin palang mananakit sa kanya noong mag sampung taon na sya.  Walang ganang umupo sya sa hapag-kainan na palaging sya lang mag-isa.

 

"Anak kumusta ka na? Namiss na talaga kita. Gumanda ka lalo anak ko. May boyfriend ka na ba ulit? Andami sigurong nanliligaw sa'yo." Nakangiting tanong nito habang pinagsasandok sya ng pagkain at tila hindi pinansin ang pagmamaldita na naman nya.. 

 

"Tss hindi pa ba kayo aalis?" Walang gana nyang tanong ng hindi man lang tumitingin dito. Ayaw nyang tignan ito dahil lalo lang syang nagagalit sa ginawa nitong panloloko sa kanya na may iba na pala itong pamilya. Akala nya ang saya na kahit dalawa lang silang mag-ina at kahit iniwan na sya noong 13 years old palamang sya ng seaman nyang daddy pero di nya akalaing makalipas ang ilang buwan may papakilala itong anak na babae na tatlong taon. Hindi nya iyon matanggap. Nagtaksil ang ina nya sa kanyang ama.  Kahit anong paliwanag pa nito wala na syang pakialam. Iniwan nya ang ina. Nagpakuha sya lolo nya na ama ng Daddy nya sa Quezon City. Malayo sa ina nya sa Pampanga. Pero noong pumanaw ang kanyang lolo ilang buwan matapos syang makagraduate sa kursong masscom umuwi ulit sya sa dati nilang bahay dahil namimiss nya ang kanyang Daddy. Mag-isa syang nanirahan doon at binuhay nya ang sarili. Sa pagsusulat nya nakukuha ang perang bumubuhay sa kanya at meron din syang savings account mula sa kanyang namayapang ama na hindi nya kailanman ginalaw mula ng bata sya. Hindi nya kailangang pumasok sa office kailangan nyang makapatapos ng isang manuscript at ipapasa lang nya. 

 

"Anak naman. Hayaan mo munang alagaan kita ngayon." Nalulungkot na pakiusap nito pero hindi sya naaawa dito. Para sa kanya wala ng pagmamahal sa puso nya. Sasaktan lang sya ng pagmamahal na tinatawag nila.

 

"Alagaan? Tsk hindi ko na kailangan pa ang alaga mo. Sana hindi na kayo nag-abala pa nakakahiya naman sa inyo naistorbo ko pa kayo. At kaya kong pagluto at pakainin sarili ko. Pwede na kayong bumalik sa PAMILYA nyo." Pagtataboy nya dito at naiinis na iniwan na ito at lumabas na sya ng dating bahay nila kung saan minsan may pamilyang masayang nanirahan doon na ngayon tanging sya na lang na anak ang natira. Nag-iisa at wala ng pamilyang matatawag. 

 

"Pare-pareho sila! Magaling mang-iwan! Papaasahin nila ako pagkapos mawawala din pala sila. Letse!" Naiinis na sinipa nya yung maliit na bato kaya tumalsik ito sa kung saan. Nahiling nya na sana kasabay ng pagtalsik ng bato ang pagtalsik din tuluyan ng nararamdaman nya ngayon.

 

Nangunot ang makinis nyang noo ng mapatingin sa batong gumulong ata pabalik sa kanya na tumama sa paa nya. Pero imposible yun kaya di na nya pinansin at naglakad na ulit. 

 

Napatigil sya ng may magsalita mula sa likuran nya. "Sa susunod na magbabato ka siguraduhin mong di ako matatamaan ha?" Wika ng baritonong boses.

 

Naramdaman nya ulit ang pagtibok ng mabilis ng puso nya dahil sa napaka pamilyar na boses na yun na sa loob ng three hell  years hindi pa rin nya nakakalimutan ang boses na nagpasaya at nanakit sa puso nya. Napapikit sya dahil para syang maiiyak. Nag-iimagine ba lang ba sya dahil sa sobrang pagkamiss sa lalaking mahal nya na pilit nyang kinakalimutan pero heto bumabalik pa rin.

 

"You crazy girl I'm talking to you kaya humarap ka sa akin." Maangas pero alam nya boses nito yun. Napamura sya sa isip. 

 

Damn! Nababaliw na ba ako?! Napalunok sya sa kaba dahil sa napakafamiliar na boses na yun. Dahan-dahan syang humarap pero nadismaya lamang sya dahil mali sya ng inakala. Umasa na naman sya. Hindi pala ito. Bakit ba sya umaasa at nagpapakatanga na naman?

 

Ngayon nga'y papalapit sa kanya ang estrangherong lalaki. May maliit itong sugat sa noo. Gwapo pero mukhang maangas. Pero wala na syang pakialam kahit sino pa ito. Kaya naiinis na tumalikod sya dito pero bago pa sya makalakad hinawakan na nito ang braso nya at hinila sya nito paharap sa kanya.

 

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!!" Inis na inis na sigaw nya sa lapastangang lalaking humablot sa kanya ng walang pasabi.

 

"Look what you've done to my head?" 

 

Gosh his voice. Bakit kaboses nya talaga?!!  Alam nyang posibleng ang dalawang tao ay magkahawig ng boses pero bakit ito kaboses na kaboses ng taong pilit nyang kinakalimutan?

 

"Ano di ka magsasalita matapos ng ginawa mo? Alam ko gwapo ako kaya natutulala ka dyan pero-"

 

"Damn! Stop talking! It's your fault! Hahara-hara ka! Do you want me to say sorry huh? Even if it's not really my fault? K fine! sorry! Happy? Tss! Bitawan mo na ako!!!" Sinasaktan sya ng boses nito. Naalala nya lang ulit ang lalaking hanggang ngayon minamahal nya pa rin. Lumuluha at naiinis na tinalikuran nya ang lalaking kaboses ng mahal nya.

 

Ngunit bago pa sya makalayo hinila na naman sya nito paharap. "Ano ba?! Bakit ka nanghihila?!" Inis na sigaw nya sa lalaki.

 

"You're crying.." Titig na titig na sabi nito sa kanya ng nakakunot ang noo. Npatigil sya at daglian ding pinunasan ang mga luhang hiindi na naman mapatid sa pagpatak. Matapos ang dalawang taon ngayon nya lang hindi mapigilang maiyak. Akala nya sapat na ang isang taong pag-iyak nya noon at ang dalawang taong pagpapamanhid nya sa sarili pero hindi pa pala. Sa isang iglap lamang dahil lang sa boses ng maangas na lalaking di nya kilala muling bumalik ang sobrang sakit na nararamdaman nya.

 

Kuyon ang mga kamaong hinarap nya ang lalaki at nakipagsukatan ng tingin. "No I'm laughing idiot! I'm not crying! So what?! Why don't you just mind your own business! Gangster!" Sigaw nya dito dahil sa sobrang inis at sakit na nararamdaman.

 

"Because I want to do this.."

 

Nanlaki ang mga mata nya sa sunod na ginawa nito. Suddenly, she felt something warm and soft on her soft lips. Hinalikan sya bigla ng gwapo pero di nya kilalang lalaki. Yung isang kamay nito naramdaman nyang pumulupot sa bewang nya sanhi para mapalapit ang katawan nya dito at bahagya syang umangat dahil sa tangkad nito. Habang yung isa pang palad nito ay nasa pisngi nya. Bakit ganon nanghihina sya dahil ang mga halik nito ay napakapamilyar sa kanya. Bakit parang tulad ng matamis na halik ng nawala nyang kasintahan? Ngunit hindi ito si Xian. Dahil matagal ng wala ang nag-iisang lalaking minahal nya at kahit wala na nga ito sa puso nya ito pa rin ang lalaking mahal nya.

 

Kaya sinubukan nyang itulak ang pangahas na lalaki palayo pero masyado itong malakas. Nanghihina na ng sobra mga tuhod nya habang patuloy ito sa paghalik sa kanya. Di nya maintindihan kung bakit gusto nyang pumikit at isiping ang lalaking humahalik sa kanya ngayon ay ang lalaking mahal na mahal nya. Bakit ang halik nito ay parang isang panaginip? Magandang panaginip dahil sa kanyang imahinasyon ang mahal nya ang kanyang kapiling. Mayamaya pinakawalan na ng lalaki ang mga labi nya.  She was still in a state of shock. Shock dahil hinalikan sya ng di kilalang lalaki o shock dahil ang halik nito ay tila katulad ng sa boyfriend nya?

 

"Is that your first kiss? You taste like sweet sugar cola." Natauhan sya ng magsalita ito ng  nakangisi pa kaya sa inis nya sinampal nya ito ng malakas.

"Damn! Why did you slapped me lady?!" Galit na tanong nito.

 

Napaatras sya mula sa lalaki. "I..I..hate you maniac gangster! Why did you kissed me?!" Galit na bato nya rin dito. She's about to slap him but he hold her wrist tightly at hinila sya nito ulit palapit sa katawan nito.

 

"Damn you! Bitawan mo ko!" Palag nya habang pilit kumakawala dito.

 

"Shh relax sweetheart.." Nakangising wika nito sabay samyo sa amoy nya na umabot sa tenga nya ang init ng hininga nito. Kinalma nya ang sarili at sinaksak sa utak na manyak ang lalaking kasama ngayon.

 

"Eew sweetheart your face! I hate you! I hate you!"

 

She was trying to punch him with her bare hands but it was failed dahil hawak nito ng mahigpit ang kamay nya at bewang nya na parang yakap na rin sya. 

 

"Hate me now. But soon I'll make love to you and you will scream my name and I will make you moan sweetie," nakangising sabi nito habang titig na titig sa mukha nya sabay kindat sa kanya kaya lalong sumibol ang inis at galit sa kaloob-looban nya.

 

Galit na tinulak nya ito. "Bastos! Go to hell! Hinding-hindi mangyayari yun! Bastos!" She promised to herself that she will never ever fall in love again. Xian will be the first and last man in her heart. Ayaw na nyang may manakit pa sa kanya. Manhid na sya tama na ang maraming sakit mula sa mga taong binigyan nya ng halaga sa buhay nya noon. Anyway wala syang balak magkagusto sa lalaking nasa harapan nya ngayon dahil gwapo man ito sa kanyang paningin napakamanyak naman nito.

 

Lumapit pa ito sa kanya at hinawakan ang baba nya pero tinabig nya kaagad ito. "Tss wag kang magsalita ng tapos sweetie. You know what? I think I like you. You're so pretty. Yes you just caught my attention. I like you especially your lips so sweet and so soft," he stares maliciously at her lips.  "Damn! I'm having a hard on!" 

 

Namula sya sa huling sinabi nito. "Damn you maniac! Bitawan mo ko! I hate you! I'll kill you!" Naiinis na sigaw nya dito na napakabatos sa kanya.

 

"Don't you think I'm too handsome for that word? And stop cussing. Angels don't cuss."

 

"Damn YOU hella monster! Jerk! Maniac! Rapist! Idiot! Stupid! Punyet-"

 

"I like you." She was very dumbstruck for what he did again. He kissed her again!

 

"See? I shut you up." He said smirking.

 

Lalong nag-init ang ulo nya sa ginawa nito. "Argh I haaate you!" Naiinis na tinadyakan nya ito sa pagitan ng mga hita nito kaya namilipit ito sa sakit at patakbong lumayo na sa walang modong lalaking basta na lang nanghalik sa kanya at ang batos ng mga lumalabas na salita mula sa bibig nito na gustong-gusto nyang patayin. Naiinis na umuwi na lang sya ulit sa sobrang inis na nararamdaman sa lalaking bastos na nanghalik sa kanya at kung anu-ano pang emosyong bumabalot sa kanya ngayon na pumipiga sa kanyang puso

.

 

     Pag-uwi nya sa bahay na tinitirhan mag-isa kaagad syang naligo at matapos magpatuyo ng buhok pinili nyang matulog na lang. Mabuti na lamang dinalaw sya ng antok sa kabila ng pag-iisip ng kung-anu-ano katulad ng nangyari kanina. Ang sarap na sana ng kanyang tulog ng biglang may paulit-ulit na magdoorbell sa gate nya. She covered her ears on her pillows and continued sleeping again and pretending that she's not hearing that freaking doorbell sound. For God's sake kakatulog nya lang.

 

Mayamaya huminto na rin ang nagdodoorbell kaya napahinga na rin kahit mga tenga nya. Dahil bawat bahagi nya pagod na. Both physical and emotional. She's freakin' tired. She just want to sleep like a coma patient. For her forever is better. 

 

Napabalikwas sya ng biglang yumugyog ang kabilang side ng kama nya at laking gulat nya sa nabungaran. "Grabe bingi ka ba talaga? Sayang maganda ka pa naman." Nakatitig sa kanyang wika ng lalaki habang prenteng nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama nya.

 

"Shit bakit ka nandito? Panong nakapasok ka dito?! Tumayo ka nga dyan!!" Nae-eskandalo at naiinis na taboy nya sa lalaking walang habas na humalik sa kanya kahapon at ngayon naman nag-tresspassing sa bahay nya.

 

"Tsk ayaw ko nga. Kanina pa ako nagdo-doorbell pero di mo man lang ako nilabasan. Until I find out hindi pala nakalock from the main door hanggang dito. Ano nang-aakit ka ba talaga ng papasok dito? Kung ganun naakit ako sayo." Nakangisi ulit nitong wika habang tinititigan sya na parang hinuhubad na sya nito sa utak.

 

"You manyak gangster! Wala akong pakialam sa'yo! Umalis ka na dito kundi tatawag ako ng pulis." Naiinis na banta nya sa lalaki na hindi nya alam kung bakit ginugulo sya nito. Nagsisisi sya na nasanay syang walang pakialam sa paglalocked ng pinto dahil sobrang tiwala na sya na safe talaga sa subdivision nila at dahil sa totoo lang wala na syang pakialam kung ano man ang mangyari sa buhay nya. 

 

"Tss I'm your new neighbor. Hindi ka man lang ba magiging mabait sa akin? Aren't you happy I'm visiting you my very pretty neighbor." Nainis sya lalo sa sinabi nito.

 

"Umalis ka na dito! Huwag na huwag mo na kong kakausapin! Di kita kilala! And I have no plan of knowing you! Now gangster alis na!" Pilit nyang taboy dito. Ayaw naman nyang lumapit dahil naiinis lang sya lalo.

 

"Ang harsh nun. By the way 'kaw lang mag-isa dito?" Nakangisi nitong tanong habang pinapakialaman ang mga picture frame nya.

 

"Bakit?! May balak kang masama sa'kin?! Huwag mo nga pakialaman yan!" Hablot nya sa picture frame na hawak nito. 

 

"Ganda mo dito mukha kang maamo," ngingiti-ngiti nitong wika habang hawak ang picture nya. "Wala naman. Hindi naman masama. Masarap nga eh. Want me to accompany you here?" Malisyoso nitong sagot kaya lalong nag-init ang ulo nya dito.

 

"Yuck! Yuck! Umalis ka na ditoo!" Galit na pinaghahampas nya ito ng unan. 

 

"Hey tama na!" Pigil nito sa kanya pero di nya ito tinantanan.

 

"Alis na dito gangster! Alis na!" Nahagip bigla ng kamay nya ang lampshade.

"Oh teka masakit yan!" Napaurong naman ito ng makita ang hawak nya.

 

"Pag di ka pa umalis dito! Ibabato ko tong lampshade na to sa'yo!" Banta nya dito habang hawak ang lampshade sa kanang kamay nya. Pero nainis sya lalo ng makitang di man lang ito kababakasan ng takot at prente na namang sumandal sa kama nya habang tinitignan ang kabuuan ng kwarto nya. 

 

"Eh basta pag binato mo sa'kin yan. I'll kiss you again ha? Or much better bubuntisin na lang kita," Nakangisi nitong sabi na ikinakulo lalo ng dugo nya.

 

"Arggh! Damn! Nabubwisit na'ko sa'yooo!!" Asar na pikit matang binato nya  dito ang lampshade nyang maliit lang. Narinig nyang bumagsak ito ng malakas. Bago nya pa mabuksan ang mga mata nya may tumulak na sa kanya pasandal sa may pader habang hawak ang magkabila nyang palapulsuhan at bago pa sya makapalag sakop na ng lalaki ang mga labi nya.

 

She tried to push him away again but he's really strong. Kaya wala syang nagawa kundi hayaang pagsamantalahin ng lalaki ang mga labi nya. Para na syang mawawalan ng hininga sa pagsakop nito sa kanyang mga labi. 

 

"Ate!- ups! I'm sorry." Dahil sa tumili nabitawan bigla sya ni gangster na tawag nya at pagkakataon na nya yun para sampalin ang lalaki and she did slapped him hard.

 

"Ouch.." Daing nito dahil sa napakalakas nyang sampal dito.

 

"Damn you!" Galit at namumulang  mura nya dito bago patakbong lumabas ng kwarto nya.

 

Nanghihinang napasandal sya sa loob ng banyo at ng makalma ang sarili lumabas na sya pero lalong sumama ang timpla nya ng makita ang bunga ng pagtataksil ng mommy nya sa pamilya nila.

 

"What the hell are you doing here?" Naiinis na tanong nya sa dalagita bago ito nilampasan at nagpatuloy sa kusina para magtimpla ng juice para sa sarili nya para mapakalma ang sarili. Sana lang talaga wala na ang lalaki sa kwarto nya dahil baka makabunot sya ng kutsilyo sa kusina at makulong pa sya sa kasong pagpatay.

 

"Ate nakipaglive-in ka ba? Isn't it you're too young for that? Is that your way ate para magrebelde?" Kalmadong tanong bigla ng dalagita mula sa likod nya na nagpaasim lalo ng mukha nya. Naiinis na hinarap nya ito.

 

"Tsk ibang klase din kayo mag-ina no? Kahapon sya, ngayon ikaw. Baka naman bukas tatay mo na? Tsk ang hilig nyo talagang makialam sa buhay ko! Pwede ba ayaw ko kayong makita kaya umalis ka na!" Taboy nya dito sa sobrang inis na nararamdaman.

 

Umiiyak na umalis ang trese anyos nyang kapatid. Siniksik nya sa utak na galit sya sa mga ito at hindi nya kailangang masaktan sa ginagawa nya.

 

"Hey you're still pretty even when you are crying."

 

Kinalma nya ang sarili at galit na binalingan ang lapastangang lalaking nanloob na naman sa bahay nya. Pinunasan nya agad ang mga luha. "Please umalis ka na..bago pa kita patayin." Kung nakakamatay lang ang tingin nya malamang patay na ang lalaki.

 

Ngunit imbes na matakot umupo pa ito sa tabi nya at parang boss na nag abrisete. "Nope. I'll stay. I decided to accompany a lonely but pretty girl like you." 

 

Padaskol syang tumayo na ikinagulat nito. "Fine! Bahala ka sa buhay mo kainin ka sana ng mga daga dito sa bahay! Bwiset!" Asar na sigaw nya at nagtungo na sa loob ng kwarto at naglocked ng pintuan. Napapagod na syang makipag argyumento. Sa sobrang kakaiyak nga nya di nya namalayang nakatulog na pala sya. Tanging hiling nya paggising nya wala na ang lalaki sa sala nya. Napahinga sya ng wala na syang makitang tao sa labas.

 

Ngunit hindi nya akalaing sa sumunod na araw at sa sumunod pang mga araw hanggang magdadalawang linggo na mula ngayon ang lalaking nakatira pala talaga sa tabing bahay nya walang patid na ginulo ang pinatahimik nyang mundo.

 

Wala na itong ginawa kundi parang kabuteng bubuntot-buntot sa kanya para magpahangin at syempre ang mga hirit nito na kung sa ibang babae nakakakilig pero para sa kanya nakakapag-init ng ulo sa sobrang kamanyakan nito. Ok na sana dahil hindi na sya masyado ginugulo ng mag-ina pero ang lalaki times two pa ang panggugulo sa kanya.

 

Tulad ngayong araw ng pahinga nya dahil sabado walang habas na naman itong pumasok sa kanyang bahay. May bahay naman ito pero pilit sumisiksi sa kanyang bahay. Alas syete pa lang ng umaga pero nanggugulo na ito sa kanya. Napapagod na syang sanayin na maglocked ng pinutuan dahil di rin sya nito lulubayan. As in bubulabugin sya nito. Walang tigil itong kakatok sa bintana nya. Ayaw naman nyang magsumbong sa barangay dahil ayaw nya ng eksena.

 

"Pwede ba umalis ka na. Nakakapagod kang kausap alam mo ba? Gusto ko pang matulog para sa'yong kaalaman Mr. Gangster na sobrang kapal ng mukha na sobrang manyak na sobrang walang manners na sobrang walang hiya." Mahinahon pero may bahid ng inis na wika nya sa lalaking prenteng nakahiga sa kama nya habang naglalaro ng kung ano sa cellphone nito ay sya naman nakapamaywang sa harap nito. Ang kapal talaga di ba? 

 

Umangat ang gwapong mukha nito at tumitig sa kanya. Parang gusto nyang umatras dahil sa napakaseryosong mukha nito. Nagalit nya kaya ito sa mga pinagsasabi nya? Napasobra ba? Nagulat sya ng hawakan nito bigla ang kamay nya at hinila sya nito kaya napaupo sya sa kandungan nito. Bago pa nya ito makompronta walang habas sya nitong hinalikan sa mga labi. Nanlaki pa rin ang mga mata nya sa gulat kahit ba hindi iyon ang unang beses na lapastangan sya nitong hinalikan.

 

"Ate!"

 

Gulat na napatayo sya pagkarinig sa kanyang kapatid. Alam nya namumula ang kanyang mukha dahil nakakahiya na nadatnan sila ng dalagita sa ganoong posisyon. Mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo sya palabas ng kwarto at nagkulong sya banyo. Kinalma nya muna ng ilang minuto ang sarili at napagdesisyunan nya ring lumabas. Bumungad agad sa kanya ang dalagita.

 

"What are you doing here again? Bakit bumalik ka naman? Ok na eh. Ano mamaya o bukas si ma- ang nanay mo naman? Pwede ba leave me alone! Nakakabwiset na!" 

 

Nangunot ang makinis nyang noo  ng umiyak bigla ito. Tila mas napakasakit ng mga iyak nito ngayon. "Ate. Sorry ha kung bakit pa kami dumating ni Papa sa buhay nyo ni mommy. Siguro nga wala ng pag-asang mangyari ang pinapangarap ni mommy na.. maging pamilya tayo..h-hanggang sa huling buhay nya.." Iyak ng iyak na wika nito na ikinatigagal nya.

 

Napatigil at nanlambot sya sa huling  sinambit nito. Muntik pa nyang mabitawan ang basong hawak.

 

"H-Hanggang..sa huling..b-buhay nya?" Wala sa sarili at nanghihinang tanong nya ulit dito.

 

"O-Oo ate patay na si mommy. Naaksidente sya kahapon habang nagdadrive patungo dito sa'yo kahit tinataboy mo pa sya. Ayaw na namin syang payagang umaalis mag-isa pero sa pagkagusto nyang makita ka tumakas sya at pinilit nyang umalis. M-May sakit syang narcolepsy o yung di nya mapigilang makatulog anytime lalo na kapag nakakaramdaman sya ng matinding emosyon. At..at i-inatake sya kahapon while driving. Alam ko di mo alam yun. Kasi wala kang pakialam! Ano ate masaya ka na ba wala na sya?" Iyak ng iyak na paratang nito sa kanya na halos di na makahinga.

 

Naiinis sya kase kumikirot na naman ang puso nya at parang tulad ng mawala si Xian mabibiyak ito at parang may babagsak na mabigat na tubig sa mga mata nya. Ayaw nya yun dahil nangako sya hindi na sya iiyak ulit.

 

Inipon nya lahat ng lakas bago muling magsalita. "C-Condolence.. Umalis ka na." She just said trying to be strong at nilampasan na nya ito bago pa tuluyang bumagsak muli ang mumunting tubig sa mga mata nya.


Next Chapter👉

Comments

Popular posts from this blog

My Posessive Ex-Crush (Ongoing)

Secret Love Song