Posts

Showing posts from June, 2015

Undress My Love

Prologue Pinilit nyang pumikit. Matulog. Para panandaliang alisin ang sakit.  Nahimatay sya matapos matanggap ang isang balitang nagpaguho sa mundo nya. Ang hindi inaasahang pagkawala ng pinakamamahal nya. Masyado nyang mahal ang lalaki. Hindi nya matanggap na wala na ito. Bawat ngiti, bawat biro nito, bawat pang-aasar nito sa kanya, bawat yakap nito, bawat halik nito namimiss nya. Binigay nya ang halos lahat dito pati ang sarili nya kaya ngayon bigla syang umasa na sana magbunga ang nangyari sa kanila ng isang anghel. Namimimiss nya ito ng sobra. Na kahit anong gawin nya hindi kayang tanggapin ng sistema nya na wala na ito. Gusto nyang umasa na babalik ito pero lalo nya lang sinasaktan ang sarili nya. Kaya hanggang kailan sya maghihintay at masasaktan? Chapter 1             "Bakit nandito na naman kayo?" May bahid ng inis na tanong nya sa taong kanyang pinagkatiwalaan mula ng magkamuwang sya sa mundo pero sya rin palang mananakit sa kanya noong mag sampung taon na sya.  Wala