His Most Beautiful Ghostwriter
Calyx
Vinskett Lazaro. A well-known international model. A very handsome man that can
break a woman’s heart. Tinitilian ng mga kababaihan sa kabila ng pagiging
isnabero. Tila galit sa mundo. Minsan lang nagmahal at hindi maka-move
on sa nag-iisang babaeng minahal na bigla na lang nawalang parang bula
sa buhay nya.
"Sir!!!!" Matinis na sigaw ng may katabaang lalaki na
hindi nalalayo sa edad nyang trenta.
"What the hell! Shut that bullsh*t mouth of yours before I
put a f*ck*ng bomb on it." Naiinis na banta nya rito na hindi naman
nasindak.
"Yes Sir! I have a very goodnews! Nakakita na ako ng magiging
ghost writer mo!!" Maingay na anunsyo nito na nakakuha ng atensyon
nya.
"Are you sure she's good?" He asked. Nagpahanap sya ng
kanyang magiging ghost writer. Ang magiging writer nya sa kanyang nais ipasulat
na kung saan hindi sila mag mimeet ng writer na yun bagkus through voice
recording lang na isesend nya dito ang magiging tulay nila.
"Yes Sir and she's also very very beautiful! Nakakabaliw ang
ganda. Nakakainlove- ouch!" Daing nito ng naiinis na binato nya dito ang
notepad sa may table.
"Tsk. You look like a stupid pig. I don't care whatever her
face is. Make sure she's good. Give me her number now."
Napanguso ang matabang lalaki sa sobrang rude nya dito. Pero alam
nya sanay naman ito sa kanya. "Heto Sir." Bigay nito sa number ng
ghostwriter nya. "Sya mismo nagsulat nyan. Ganda ng sulat di ba
kasingganda nya. Don't worry Sir magaling yan recommended by my dear
cousin."
"Tsk fine. Now get out of my sight."
Napailing na lang ito. Sanay na kasi ito sa kanya. He's his crazy
talent manager slash personal assistant slash yayo.
After several shoots nanlalatang humiga sya sa kama nya. Kinuha
nya ang cellphone nya at pinindot ang recording doon then he started telling a
story. He closed his eyes and memories started to freakin' play on his mind.
"Vienna you are the most beautiful girl I've ever seen in
my whole life. " Hinaplos nya ang makinis at namumula nitong pisngi. She's
really very beautiful. He claimed her lips softly. "I really love you. You
know I can't live without you please makipagbreak ka na sa kanya..ako na lang
huwag mo kong-" napatigil sya ng mapatingin sa palasinsingan nito.
"-lolokohin. Shit! Ano to?!" Galit na hinawakan nya ang kamay nito na
mayroong singsing na nakasuot.
"Ah that's-oh my God! Bakit mo ginawa yun?!" Gulat na
tanong nito ng itapon nya lang naman ang singsing nito sa palaisdaan na nasa
harap nila dahil sa sobrang inis nya. Hindi nya maiwasang sobrang magalit sa
kaalamang may ibang nagmamay-ari dito. Tanga na kung tanga pero hinding-hindi
nya bibitawan ang dalaga. Mahal na mahal nya ito.
"Because I'm f*ck*ng mad! Nakikipagdate ka sakin pero engaged
ka na sa iba?! Hindi ako papayag na may maglalagay ng ibang singsing sa daliri
mo! Dapat ako lang Vienna! Ako lang!!"
Nanlaki ang mga mata nito sa mga pinagsasabi nya. Hinampas pa nga
sya nito sa dibdib mukhang napikon sa inasal nya. "Crazy! I'm not
engaged. That ring you just throw away was my mom's wedding
ring!" Namumulang sigaw nito sa kanya sa inis. Nanlaki mata nya sa
nalaman. Sya naman ngayon ang nagulat dahil sa sinabi nito. Walang
pagdadalawang isip na tumalon sya bigla sa palaisdaan.
Nagulat naman ang babae sa ginawa nya. "Oh no!! Calyx no!
Umahon ka dyan! Ano ba?!!" Rinig nyang gulat na sigaw ni Vienna na puno ng
pag-aalala. Sumisid sya ng ilang minuto at hindi talaga sya tumigil kahit
pinapaahon na sya nito.
"Ah nakakainis ka! Nakakainis ka!!" Inis na pinag-aampas
sya nito matapos nyang makaahon at hinihingal na mapahiga sa may damuhan doon.
"Ouch! Baby aray ko." Napapangiwi at natatawang pigil
nya dito. Naiinlove lalo sya dito makita nya lang ang magandang mukha nito.
Kahit anong emosyon nito napakaganda talaga nito.
"I'm sorry natapon ko-"
"Tse! May sugat ka sa paa o! Yan kasi ang kulet mo sabi huwag
tumalon eh! Dyan ka lang tatawag ako ng tulong." Akmang tatayo ito ng
pigilan nya ito at hawakan ang malambot nitong kamay.
"No Vienna. Dito ka lang please."
"Tsk huwag ka ngang parang bata dyan! Mamatay ka dito pag di
ako umalis para tumawag ng help. So, stay here promise I'll come back."
Napipilitang binitawan nya ang kamay nito. Hindi nya akalaing iyon na pala ang
huling araw na makikita nya ito. Naghintay sya roon. Nang matagal. Halos doon
na sya natulog. Araw-araw syang naghihintay roon. Umaasa. Pero walang Viennang
dumating. Siguro nga pinili nito ang sumama sa iba.
Napaiyak siya sa huling recording na isinend nya sa ghoswiter nya.
Isang masalimuot na ending ng kanilang kwento na nais nyang dugtungan kaya nya
ginawa ang kanyang libro na sumasalaysay sa wagas na pag-ibig nya kay Vienna.
Umaasa syang pag nalathala ang libro mababasa ito ng mahal nya at babalik ito
sa kanya. Naging modelo na sya pareho sa mga sikat na magazine at commercial model
sa loob at labas ng bansa para makita sya ni Vienna at nagbabakasakaling
bumalik ito sa kanya pero walang nangyari. Ngayon umaasa sya na sana pagkatapos
ma-published ng libro nya bumalik ito muli sa kanya.
"Congrats! Best Seller na ang libro mo within two weeks lang.
Grabe di namin akalaing may nakaka in-love kang story na ganun. Maraming naiyak
sa ending. Kaya pala wala kang tinatanggap na ibang babae sa puso mo dahil may
nagmamay-ari na nito. Maraming umasa na matuloy ang love story nyo. Pero marami
ring nagtatanong. Nasaan na nga ba si Vienna?" Tanong ng nag-iinterview sa
kanya. Yes naging sikat ang libro sa loob lamang ng dalawang linggo.
"I still don't know." Matipid nyang sagot.
"Mr. Lazaro. Marami ring nagtatanong. Pano kung bumalik ang
maganda mong mahal na si Vienna pero may asawa na pala? Mamahalin mo pa rin ba
sya?"
Napatigil sya sa tanong nito. "Yes." Matipid nyang
sagot.
"But hindi ba bawal na iyon? Aagawin mo ba sya?"
Pagbibiro ng host.
"Yes." Seryoso nyang sagot.
Napatanga ang lahat sa sinabi nya. Natahimik. Lalo na ang madaldal
na manager nya.
"Just kidding. I love her but kung talagang wala na akong
magagawa then I will be forever single." Pagbibiro nya. But
aagawin ko sya kahit anong mangyari. Bulong ng isip nya.
Matapos ang ilang minutong interview pagod na nagbyahe na sya
pauwi. Sa unang pagkakataon binuksan nya ang sarili nyang libro at binasa ito
habang nakahiga sya.
Napakunot noo nya ng may mabasang nagpagulo sa utak nya.
In our first kiss that was romantically happened inside a payphone
the song YOUR LOVE started to play..
Nanghihinang napaupo sya at kaagad binuksan ang cellphone nya.
Pumunta sya sa sent message at pinakinggan nya ang part na yun kung saan na
nirecord nya.
"Sh*t!" Mura nya. He never mentioned that song and
the place where their kiss happened. Sila lang ni Vienna ang nakakaalam.
Kinakabahang pinagpatuloy nya ang pagbabasa sa libro at napapamura sa tuwing
mababasa ang ilang parte na hindi nya nabanggit sa recording nya. Hindi nya rin
nabanggit na may nangyari na sa kanila. How did his ghostwriter knew about
those secret things between him and his Vienna. Without further thinking he
dialed his Ghost writer’s phone number.
Ilang segundo bago nito iyon sinagot.
"Hello?" Kinabahan sya at tila nanigas ng marinig ang
magandang boses na yun. Napakapamilyar na boses. "Hey sino to?!"
Sigaw nito mula sa kabilang linya na nagpagising sa naglalakbay nyang diwa.
"Ah.. Calyx Lazaro."
Saglit itong nawala na parang narealized ang sinabi nya.
"Oh my God. I'm sorry tulog na kasi ako kaya di ko na tinignan sinong
nambubulabog sa akin I mean tumatawag." Napatingin sya sa orasan. It's
already 11 pm. At dahil sa boses ng ghostwriter nya lalong nagulo ang isipan
nya.
"Can we meet? Now?"
"What?! Sir it's already 11 in the evening for pete's sake.
At baka nakakalimutan nyo po I'm just your ghostwiter and you are not allowed
to see me."
"No. I want to see you." May otoridad na wika nya dito.
Pero nabahala ng maisip na baka natakot nya ito. "I mean may bibigay lang
ako sayo. As a thank you gift for the success of the book."
"Sir seryoso kayo alas onse na po ng gabi baka hindi nyo po
alam and ayaw ko po. Ang usapan ghostwriter lang po ako. Meaning hindi nyo
kailangan makita sa personal. That's it. "
Na-disappoint sya sa sagot nito. "I insist magkita tayo. I'm
the boss here kaya susunod ka." Wala na syang pakialaman kung magmukha
syang rude basta gusto nyang makita ito. "Now give me your address."
Utos nya dito.
Narinig nya ang pagbuntong hininga nito indikasyong naiinis na ito
sa kanya. "No Sir. I won't give you my address. Never. Tapos na po usapan
natin. I did already my part and kayo rin you pay me already kaya wala na po
dapat tayong pag-usapan. At ako paninindigan ko ang pagiging ghostwiter
ko." Bago pa sya makasagot pinatay na nito ang tawag. Naiinis na dinial
nya ulit iyon pero un-attended na. Sunod na tinawag nya ang manager nyang
mataba.
"Aist ano ba yan oras na-"
"Send me my ghostwriter's address. Now." Utos nya dito.
"What?! Pero sir-"
"Tsk. No buts or else I’ll find a new talent manager. I'll
wait for your text." Wika nya sabay baba ng tawag. Napangiti sya ng makita
ang text nito pagkatapos ng ilang segundo lang. Ang address ng ghostwriter nya.
Mabilis na pinaharurot nya ang sasakyan patungo sa address na binigay nito.
Kinakabahang bumaba sya ng sasakyan pagkarating sa lugar ng kanyang ghostwriter.
Napakatahimik ng lugar at walang masyadong bahay. Lumakas lalo ang kaba
nya ng nasa tapat na sya ng pinto ng babae. Kumatok sya ng kumatok hanggang sa
may nagbukas sa kanya na akala nya'y anghel dahil naka all white lahat ito.
Dress at medyas na white.
Parehong nanlaki ang mga mata nila ng makita ang mukha ng
isa't-isa. Di sya makapaniwala sa nakikita. After 10 long years nasa harap nya
ang pinakamagandang babaeng nakilala nya at hinding-hindi nya
makakalimutan.
"Sir?! Bakit ka nandito?! Dapat hindi mo ko makita!"
Sigaw nito sabay sara sa pinto. Sinubukan nyang buksan iyon pero naka-locked
na. Pinagkakalabog nya ang pinto pero hindi na ito lumabas. Napatigil sya sa
akmang pagkatok ulit ng may tumawag. Kaagad nyang sinagot ng makita ang caller.
"Sir hindi ko alam kung may topak kayo o nakadrugs. Umalis na
kayo dyan bago pa mabulabog ang mga kapitbahay ko at magulat na ang isang sikat
na modelo ay nanggugulo sa apartment ng isang ghostwriter sa kalagitnaan ng
gabi.” Tila wala naman ata itong kapitbahay. “Kaya po bago pa kayo pagkamalang
takas sa mental umuwi na kayo, magpahinga dahil mukhang malaki ang problema nyo
sa buhay. Bye! Alis na! Po!" Napatingin na lang sya sa cellphone ng
patayin nito ang tawag. Sinubukan nya ulit tumawag pero walang sumagot. Nanghihinang
napasandal sya sa pinto ngunit nagulat sya ng mabuksan ito bigla. Hindi
naman nya nabungaran ang babae. Nagtataka man pumasok sya agad. Sala ang
nabungaran nya agad at dumiretso sa nag-iisang kwarto roon na naka locked pala.
Naisip nyang nasa loob na ito at ayaw na nitong magpaistorbo at baka naawa sa
kanya na baka dumugin sya kaya sya pinapasok nito.
Nanghihinang napaupo sya sa sofa bed sa sala. Napakamapaglaro ng
tadhana. Di nya akalaing ang ghostwriter nya ay babaeng inaalayan nya ng libro
at babaeng matagal na nyang hinihintay na pinakamamahal nya.
Vienna..I missed you so bad. Bakit di mo ako kilala? Napapaiyak nyang daing
hanggang sa hilain sya ng antok sa kakaisip sa dalaga.
PART II.
Kinaumagahan..
Pagmulat nya ng mga mata nabungaran nya ang isang anghel na
nakadungaw sa tapat ng kanyang mukha.
"Good morning Sir breakfast na po kayo! Tibay nyo po di
talaga kayo umuwi-"
"Vienna!!" Naiiyak na bulalas nya sabay yakap dito
ng mahigpit na ikinagulat nito.
"Sir bitawan nyo po ako. I'm not Vienna. I'm your
ghostwriter. Lasing po ba kayo?" Sinusubukan nitong alisin ang yakap nya
pero ayaw nya itong bitawan.
He heard her heaved a deep sighed. "Sir may problema kayo no?
Sige na nga papayakap ako sa inyo. But only for 10 seconds pag di nyo pa ako
binitawan sisigaw na ako ng rape. Ok?"
"S-sige.." Naiiyak nyang sang-ayon dito. Ayaw naman nya
itong pilitin at biglain. Sa tingin nya may amnesia ang Vienna nya.
"10.." umpisa nito
Vienna
ko. What happened? Bakit di mo na ako kilala?
"9.."
Ang sakit
sakit na di mo na ako maalala
"8…”
Mahal na
mahal kita Vienna…
“7.."
kahit di
mo na ako maalala..ikaw pa rin..
"6..”
Susuyuin
kita..
“5..”
Aalagaan
kita habang buhay..
"4...”
I’ve
waited for 10 long years..
“3..."
I can wait
until forever just to be with you again..
“2..”
I love
you so much Vienna..
"1..
times up!" Ayaw man nya binitawan na nya ito.
Mukhang nalungot din ito sa nakita nitong pagluha nya.
"Sir umiiyak ka. Namimiss mo ba si Vienna. Babalik sya pag nabasa nya yung
libro. Malalaman kung gaano mo sya kamahal."
Malungkot na tinitigan nya ang magandang mukha nito.
"B-bumalik na sya."
"Ano po? Eh bakit pa kayo malungkot?"
"Hindi na nya ako kilala."
"S-sorry Sir. Wag na kayo malunggkot kung mahal nya rin kayo
maaalala kayo ng puso nya."
"Really? Her heart will remember me?"
Nakangiti itong sumagot. "Yes Sir. A heart can remember the
love that the mind cannot do."
Naiiyak na hinawakan nya sa mukha ang dalaga. "You're so
pretty my Ghostwriter."
Namula ito. "Asus binola nyo pa ako. Sige na po. Kain na kayo
at ng makauwi na kayo at suyuin ang Vienna nyo."
Tumayo na lang sya at sumunod dito.
"Ahm sorry pala ginulo pa kita. I was so depressed at
kailangan ko ng makakausap at ikaw ang unang nakakaalam sa lahat ng pinagdaanan
namin ni Vienna k-kaya ikaw kinulit ko. Kaya S-Sorry. Please don't get mad at
me."
"Haha hindi po no. Ayos lang kesa naman sa daan ka natulog at
baka nirape ka pa doon." Pagbibiro nito sa kanya. Napapangiti sya
dahil hindi nagbago ang Vienna nya. Masayahin pa rin ang babaeng mahal nya.
"Salamat. Anyway mag-isa ka lang dito?" Umpisang tanong
nya bilang panimula ng imbestigasyon nya sa buhay nito ngayon.
"Haha obvious po ba? Yes ako lang wala ng iba." Sagot
nito matapos iabot sa kanya ang ulam.
"Thank you." Nakatitig na wika nya dito. Natuwa sya
dahil mukhang single pa ang Vienna nya ngunit nag-alala din dahil mag-isa lang
ito. "Di ka ba natatakot ‘kaw lang mag-isa dito? Baka pasukin ka ng
masasamang tao-"
"Hindi naman ako natatakot andaming mababait na tanod dito na
laging nakabantay kaya I'm safe. So kumain na po kayo ng makauwi na kayo bago
pa dumami ang tao sa labas." Nakangiti nitong wika sabay kain na rin. Di
sya makapaniwala na nasa harap nya ngayon ang babaeng matagal na nyang
hinihintay. Wala syang ibang ginawa kundi pasimple itong titigan habang
kumakain. Kung pwede nya lang itong yakapin ulit ng mahigpit at halikan ginawa
na nya. Namiss nya talaga ito.
"Hey Sir san ka galing?! Kaninang 5 am ang shooting mo pero
hindi kita mahagilap dito sa bahay mo. Pinaresched ko na lang mamyang 10 am
kaya Sir umayos ka na may shooting ka pa-"
"Tsk. Annoying." Naiinis na putol nya sa pagbubunganga
ng manager nya bagamat malaki pasasalamat nya dito dahil ito ang nakatagpo sa
Vienna nya.
Kumakamot ang ulong sumunod ito sa kanya papasok sa bahay.
"Sir saan ka ba kasi nanggaling-"
Hinarap nya ito. "Answer me. Pano nakilala ng pinsan mo si
Vien-I mean yung ghostwriter ko?"
"Nirecommend lang din daw sya sa kanya ng isang kakilala.
Teka Sir nakita nyo na yung magandang ghostwriter nyo? Galing ba kayo doon sa
kanya?" Nanlalaki ang mga matang tanong nito.
"Yes and cancel all my appointments. May ibang lakad
ako."
Nanlaki ang mata nito sa sinabi nya. "What?! Hindi po pwede
Sir papatayin na nila ako eh!" Nagpapadyak na turan nito. Tinignan nya ito
ng masama. "E di advance condolences sa'yo. So layas na bago pa magbago
ang isip ko na ibigay sa’yo ang sportscar ko."
Nanlaki na naman ang butas ng ilong nito. "A-ano yung
sportscar nyo na limited edition na pinapangarap ko lang ibibigay nyo?
B-bakit?"
"Reward ko sa’yo. You finally did something na ikinatuwa ko.
At mas matutuwa ako pag kinancel mo lahat ng appointments ko. So layas na bago
ko bawiin ang sporstcar ko sa’yo." Wala pang isang minuto wala na ito aa
harapan nya. Napapailing na napapangiti na lang sya.
Vienna namimiss na kita..
Mabilis na naligo lang sya at nagsuot ng magandang damit at ilang
minuto lang nasa harap na sya ng bahay ni Vienna. Kumatok sya pero walang
sumagot. Kumatok sya pero nagulat ng bumukas iyon. Nag-alala sya dahil hindi
ata uso sa babae ang mag-locked ng pintuan.
"Vienna!" Tawag nya habang naglalakad papasok. Napatigil
sya ng makita ito sa harap ng t.v habang umiiyak.
Nag-aalalang lumapit sya dito. "Vienna bakit ka
umiiyak?"
Umiiyak na tinuro nito ang libro na hawak. Nangunot ang noo nya ng
makilala ang libro. Yun ang libro nya na sinulat nito.
"S-sir naiiyak po talaga kasi ako dahil naghiwalay
kayo. Kasi napakatatag nyo na naghintay kayo ng magdamagan ng araw na iyon pero
hindi sya bumalik. P-paano Sir kung di na sya bumalik? Kawawa naman kayo?"
Umiiyak at nakanguso nitong wika habang sinisinok pa. Tulad ng inaasahan nya
kapag umiiyak ito namumula ang ilong nito.
Napaiyak na rin sya sa mga sinabi nito. Pinunasan nya ang mga luha
nito. Niyakap nya kaagad ito. "Shhh stop crying. Di ba sabi ko bumalik na
sya pero hindi nya lang ako maalala? Huwag kang mag-alala magiging akin din sya
ulit." Bahagya nya itong hiniwalay para makita ang maganda nitong
mukha.
"Pero bakit nandito ka po? Dapat suyuin mo sya? Wag ako na
ghostwriter mo."
"B-because she's nowhere to be found again. K-kaya malungkot
ako ulit. I need someone to lean on. Pwedi bang dito muna ako sayo? Ginugulo
kasi ako sa bahay na magtrabaho eh malungkot nga ako dahil namimiss ko si
Vienna." Dahilan nya na sana kagatin nito. Gusto nya itong makasama.
Habambuhay. Gusto nyang tulungan itong makaalala.
"S-sige Sir ok lang sa akin. Nalulungkot din ako kasi mag-isa
ako dito. Tara po manuod na lang tayong movie para wag tayong malungkot."
Nagulat sya ng hawakan nito ang kamay nya at akayin papasok sa kwarto
nito.
"Sir upo lang po kayo dyan play ko lang po yung movie."
Nakangiting wika nito matapos syang paupuin sa kama. Nakasunod lang sya ng
tingin dito. She's really like an angel. Lagi pa naman itong nakasuot ng
white.
Seriously Vienna? Tayong dalawa sa loob ng kwarto mo? May balak ka
bang patayin ako sa pagko-control? D4mn! I wanna hug her. Kiss
her..
"Hayan! Horror! Para exciting!" Wika nito sabay parang
batang tumalon sa kama sa kabilang side. Parang tumalon din ang puso nya ng
maamoy ang mabangong amoy nito. "Ok lang ba sa’yo ang horror Sir?"
"O-oo." Nauutal nyang sagot habang titig na titig dito.
Ngumiti lang ito sa kanya at tumutok na ang atensyon sa harap ng t.v. pero sya
ang atensyon nya pilit napupunta sa magandang mukha ng dalaga. Kahit anong
anggulo talaga nya ito tignan tulad ng dati napakaganda pa rin nito sa paningin
nya.
"Sir? Ayos lang kayo. Mukhang ayaw nyo naman ang movie eh ako
ata yung pinapanuod nyo." Pagsusungit nito na ikinapitlag nya. Di nya
mapigilang mamula.
"No. I love it." Sagot nya na dito nakatitig. "I'm
sorry mas maganda ka kasi kesa sa pinapanuod natin." Pranka nyang
sagot na ikinapula nito.
"Sir naman eh. Sa t.v nga kayo manuod huwag sa akin naiilang
ako."
"Aha sure. I'll try." Pilyo nyang sagot dito.
"Sir naman!" Nakapout nitong sigaw.
Sh*t I wanna kiss those lips.
"Ok. Promise sa t.v na." Sinubukan nyang i-focus ang
mata sa t.v kahit sa dalaga talaga sya napapatingin ngunit pinigilan nya baka
bigla matakot ito sa kanya. Ngunit ng lingunin nya ang babae nagulat sya dahil
nakatulog ito. Seriously horror pero nakatulog ito. Bahagya nya itong binuhat
at inayos sa pagkakahiga sa kama. Matapos ay humiga rin sya ng patagilid at
paharap dito habang nakasuporta ang kamay nya sa ulo nya para masilayan ng
maayos ang maganda nitong mukha.
"Vienna napakaganda mo talaga.." anas nya habang
hinahaplos ang maamo nitong mukha. Walang pag-aalalangang hinalikan nya ito sa
labi na kanina nya pa gustong gawin. He kissed her soft lips that
he’ve been dreaming to kiss again. Nakangiting binitawan nya ang mga labi
nito at pinagmasdan pa ito bago nakangiting humiga na rin ng maayos at niyakap
ito. Pinaka peaceful na pagtulog ko.
PART III.
Naalimpungatan sya ng maramdamang may sumusundot-sundot sa kanyang
pisngi. Nabungaran nya ang isang magandang anghel. Nasa langit na ba sya?
"Good morning my angel.." Nakangiti nyang bungad dito.
Kumunot ang makinis nitong noo. "Ehe goodmorning po. Hindi po
ako si Angel. Bakit nyo po ako yakap? Bakit po kayo dito natulog?"
Inosente nitong tanong.
Binitawan nya agad ito. "S-sorry nakatulog na rin ako tulad
mo while watching horror." He chuckled. Pampatulog na pala ang horror
ngayon? "And sorry kala ko unan ko kaya nayakap kita. Wag ka sanang
magalit."
Bumangon na ito bago sya sinagot. "Ok lang po. Importante
wala kayong ginawang masama sa akin at di nyo sinira ang tiwala ko."
Nakangiti nitong wika bago lumabas ng kwarto.
Yeah I guess wala akong ginawang masama. Hindi naman masama ang
halikan ang babaeng mahal ko. Napapangiti syang bumangon at sumunod dito. Nakita nya itong
nagluluto sa kusina habang nakasuot ng polka dots na apron. Perfect picture ever
na pinapangarap nya. Parang mag-asawa lang sila. Gusto nya itong maging asawa
noon pa man. Binunot nya ang cellphone sa bulsa at pinicturan ito tulad ng
ginawa kagabi habang tulog ito.
"Tulungan na kita." Agaw nya sa kutsara na pinaghahalo
nito sa pancake. Napatigil sila ng mahawakan nya ang kamay nito. Nakaawang ang
labi nito habang nakatitig sa kanya. Di na sya nakapag-isip ng matino. Hinapit
nya ito sa bewang at sinakop ang mga labi nito. Nagulat lalo ito pero napangiti
sya ng nag-aalangang tumugon ito. Ilang segundo bago naghiwalay ang mga labi
nila. Nakatitig lang sila sa isa't-isa.
"I won't say sorry dahil gusto ko ang ginawa ko. I love
kissing those lips of yours but please don't get mad. Sampalin mo ko para
mawala inis mo sa ginawa ko." Nag-aalala nyang sabi dito baka magalit ito
sa kanya.
"A-ah di ko alam sasabihin ko. Sige you are forgiven na. I
guess may kasalanan rin naman ako kasi tumugon ako. Kalimutan na lang natin na
parang walang nangyari. T-tara na luto na tayo." Parang ayaw nya ang
sinabi nito na kalimutan na lang nila. Hinding-hindi nya makakalimutan ang
bawat halik nito. "O sige." Kunway pagsang-ayon na lang nya para wag
tong tuluyang mailang sa kanya. Tahimik lamang silang nagluluto. Di sya
mapakali dahil baka mailang na ito talaga sa kanya at hindi na talaga sya nito
kausapin.
"Hey!" Tawag pansin nya dito matapos bahiran ng harina
sa mukha." Gulat na tumingin ito sa kanya. "Haha look at you you're
still very pretty kahit ang dumi na ng mukha mo. Kinukulam mo ba ako Miss?
Bakit napakaganda mo sa paningin ko?" Nakapamayweng na pilyong tanong nya
rito.
Unti-unti naman itong napapangiti. Mabilis na kinuha nya ang phone
at pinicturan ang madumi nitong mukha na ikinagulat nito.
"Hey burahin mo yan!" Nakapout na agaw nito sa phone
nya. "No ang ganda mo kaya dito. Gagawin ko nga tong wallpaper ng phone
ko."
"Hay pasaway! Burahin mo yan! Kainis ka!" Tumakbo sya ng
akma nitong kukunin sa kanya ang cellphone nya. Para silang bata na
nag-ikutan doon sa kusina. Nagulat sya ng batuhin sya nito ng maraming harina
kaya sapol yun sa buhok nya sa likod.
Nakasimangot na humarap sya dito. Tawang-tawa naman ito sa kanya.
"Haha look at you. You look like my grandpa. Lolo give me your
phone!" Pang-aasar nito matapos mahablot sa kanya ang cellphone nya at
pinicturan sya nito kaagad habang tawa ng tawa habang nakatingin sa napicturan
nito. Dahil sa nakitang pagtawa nito nawala na naman sya sa tamang huwisyo.
Hinawakan nya ang kamay nitong may hawak sa cellphone nya at walang pasabing
hinila nya ito palapit sa kanya na ikinagulat nito. Sobrang lapit ng mukha nila
sa isa't-isa. "You're such a bad girl sweetie. You need punishment."
Bago pa ito makasagot hinalikan na nya ito muli sa labi. Tulad kanina nagulat
ito ngunit tumugon rin sa mga halik nya na ikinatuwa nya. Marahil familiar pa
rin ang halik nya dito kaya ito nakakatugon sa kanya.
Tulad kanina nailang na naman ito matapos ang halik na
pinagsaluhan nila. Hindi ito makatingin ng diretso sa kanya. "Shhh don't
be shy. I think we both enjoyed the kiss. Pero sampalin mo lang ako pag nagalit
ka sa ginawa ko. But remember pag nagalit naman ako may punishment ka
rin." Pilyo nyang sabi dito. "Sit down here. Ako ng magluluto dahil
nadidistract talaga ako sayo eh." Nakangiti nyang sabi bago ito pinaupo.
Ramdam nyang nakatingin ito sa kanya. "Sweety stop staring di ako
makapagfocus kapag may magandang nakatingin sa akin." Pilyong wika nya
dito na ikinapula nito. Para itong batang umub-ob sa may mesa. Napangiti sya.
Eto yung buhay na gusto nya. Kasama ang babaeng mahal nya.
Matapos magluto napangiti sya ng makitang tulog na tulog na ang
dalaga. Nilapitan nya ito para gisingin. "Hey sweetie wake up. Kain na
tayo." Yugyog nya dito. Tumingala ito sa kanya.
"After 1000 years naluto mo rin po ang pancake."
Pang-aasar nito.
"Sori ang hirap palang magluto di ako sanay promise mag-aaral
ako para mapagluto kita lagi. Favorite mo yan di ba?"
Nangunot noo nito. "Pano nyo nalamang favorite ko to? Tsaka
tama ba ang narinig ko pagluluto nyo ko lagi? May balak ka bang magcamping sa
apartment ko Sir?"
"Ah sa tingin ko lang naman." Palusot nya. "Yes
sana maawa ka sa akin I just want to escape from my very loud and stressful
world and I think I found it here in you..I mean in your place. Pwede bang dito
muna ako pansamantala? Please.." pagmamakaawa nya rito.
"Seryoso ka Sir?" Di makapaniwala nitong tanong.
"Yes please. Kahit saglit lang."
"Pero Sir-"
"Please..mangungupahan ako. I'll pay the
expenses."
"Pero maliit lang bahay ko at mukha pang haunted house kung
napapansin mo?" Napapangiwing wika nito.
Ngumiti sya rito. "It's ok." As long as I'm
with you kahit sa karton lang ako matulog.
Sandali itong nag-isip. "Sige Sir kawawa naman kayo kaya
payag ako."
"Really?" Tuwang-tuwang tanong nya dito. Tumango ito
kaya nayakap nya bigla. "Thank you!" Tuwang-tuwa talaga sya sa sagot
nito. Napahiwalay sya dito ng umaching ito bigla.
"Sir ambaho nyo na ligo na kayo." Natawa sya sa sinabi
nito sabay pingot ng marahan sa namumula nitong ilong.
"Yes Ma'am. Uwi lang ako saglit kuha akong konting damit. And
please stop calling me Sir. Just call me Calyx sweetie." Nakangiti nyang
wika dito.
"Ok Sir-I mean Calyx. And please stop calling me sweetie it’s
not my name." Yes because you're my Vienna sweetie. "Ok
sure." Nakangiti nyang sagot.
Kahit ayaw nya umuwi muna sya saglit kailangan nyang kumuha ng
damit. Nagmadali sya mag empake at excited na bumaba na mula sa kanyang
kwarto.
"Sh*t multo!" Gulat nyang sigaw ng sumulpot bigla sa
pinto nya ang kung sino.
"Sir naman mataba lang ako pero di ako multo!" Reklamo
nito. Ang manager nya lang palang mataba. "Teka Sir san kayo pupunta?
Maglalayas na kayo? Tatakasan nyo ang kontrata nyo? Paano ako Sir nawawalan na
ako ng sweldo nagagalit na sila sa akin. Galit na galit na ang mga-"
Napahinto ito at nanlalaki ang mga mata nito ng ibigay nya isa nyang credit
card na naglalaman ng 100k.
"Shut your mouth and buy anything you want. Ubusin mo yan
hanggang manahimik ka. That's worth 100k my dear manager." Nakangisi nyang
wika dito sabay nilampasan ito. Nangingiting bumaba sya ng sasakyan at payukong
naglakad patungo sa apartment ng mahal nya. Kumatok sya ng ilang beses pero
wala na namang nagbukas. Sinubukan nyang pihitin ang pinto at bukas na naman
ito. Nakaramdaman sya ng irita. Bakit ba palaging hindi nilolock ng dalaga ang
pinto? Hindi ba ito aware na napakaganda nito para gawan ng masama.
"Hijo." Naudlot ang pagpasok nya sa pinto ng may
matandang tumawag sa kanya.
"Bakit po?" Tanong nya rito.
"Bakit ka pumapasok dyan ikaw na ba ang bagong nakatira
dyan?"
"Po? Hindi po dadalawin ko lang po ang girlfriend kong si
Vienna." Magiliw nyang sagot dito.
"Vienna? Naku hindi ko kilala. Alam ko'y matagal ng walang
nakatira dyan."
Nangunot noo nya sa sinabi nito. "Meron po lola. Ang
girlfriend ko nga ho."
"Pero sigurado ka ba hijo?" Tumango sya. " Ay
siguro nga'y ulyanin na ako baka nakalimutan ko lang. Sige hijo pasensya na sa
istorbo. Aalis na ako."
"Sige po." Kunot noong sagot nya sa matanda. Siguro kaya
hindi nito kilala si Vienna dahil Anne ang gingamit na pangalan nito. Napangiti
sya dahil may taong di nakakakilala sa kanya at walang magsusumbong sa
nangyayari sa kanya. Pumasok na agad sya sa loob at tinawagan ang kasintahan
pero walang sumagot. Bakit ba ang babaeng iyon hindi mahilig sumagot pag may
tumatawag dito. Sesermonan nya pa ito tungkol sa hindi paglock ng pinto.
Dumiretso kaagad sya sa loob ng kwarto nito. Pero wala ito.
Kinabahan sya bigla. Pano kung iniwan na naman sya ng dalaga? Hinalughog nya
ang buong bahay. "Vienna!!" Tawag nya. Pero walang Vienna na
nagpakita o sumagot man lang sa kanya.
PART IV.
He dialled her number at luckily nag ring ito pero hindi nito
sinasagot ang tawag nya. Pinakinggan nya ang ring mukhang di ito nalalayo.
Lumabas sya sa likod ng bahay at napangiti ng makita ang dalaga doon na
nakahiga sa isang rocking chair doon na parang dyosa habang mahimbing na
natutulog. Nakaputi na naman ito kaya napakaganda nito lalo. Lumapit sya sa
dalaga at natutuwang pinagmasdan ito. Napapangiting pinicturan nya ito.
Hinawakan nya ang dalawang malambot nitong kamay at hinalikan ang
mga ito. "Hey Vienna you are really so beautiful. Please bumalik ka na.
Sana maalala mo na ako. Mahal na mahal kita.." naiiyak nyang wika dito.
Bahagya syang tumangis sa mga kamay nito yumuko sya.
"A-ako ba ang kinakausap mo?"
Nagulat sya ng magsalita ito bigla. Napapalunok na nag-angat sya
ng mukha at hinarap ang nga titig nito pero hindi nya binitawan mga kamay nito.
"Yes I'm talking to you.." Wala ng dahilan para itago
nya pa dito ang totoo.
"B-but I'm not your Vienna.."
"No you are my Vienna. Listen to me. Di mo ba alam na may
amnesia ka?"
Umiling ito. "Hindi ko alam. Basta alam ko ako si Anne."
"No you are my Vienna. Yes you have an amnesia. Pero naaalala
mo ang ibang pangyayari sa atin. Vienna pano ko nasabi? Dahil sa mga sinulat
mong ilang parte sa story natin na hindi ko naman nabanggit sayo. Like where is
the place that we had our first kiss, what is the song that was played during
our first kiss and yung nangyari sa'tin di ko nabanggit yun pero naroon sa
libro. Sinulat mo. Dahil ikaw mismo ang babaeng hinihintay ko. Ikaw si Vienna
ko." Niyakap nya agad ito. Naramdaman nya rin ang pagpatak ng mga luha
nito sa balikat nya..
"A-am I really your Vienna?"
"Yes you are dear. Don't worry I'll help you na maalala ang
lahat. Ok?" Litong tumango ito na ikinangiti nya. He caressed her
beautiful face and gave her a sweet kiss under all the stars.
Napangiti sya ng tumugon ito. "I miss you Vienna.." he said between
their kisses. "I love you Vienna." He didn't receive a respond but
atleast hindi ito natakot sa mga pinagtapat nya at nagtiwala ito sa kanya. They
decided na magstay muna sila sa labas habang nakahilig ito sa kanya. Sobrang
saya nya talaga dahil yakap nya ang babaeng mahal na mahal nya.
"Vienna thank you.." bulong nya dito.
"For what?" She asked.
"Thank you for coming back. Kahit di mo ko maalala ok lang.
Basta nandito ka sa tabi ko masaya na ako. Ok lang naman yun kasi naniniwala
ako mababalik rin ako sa ala-ala mo. Di kita iiwan. Kahit magsawa ka pa sa
pagmumukha ko hinding-hindi na kita bibitawan." He chuckled then he hold
her hand and kiss the back of it. Hinugot nya ang bagay na lagi nyang bitbit at
isinuot ito sa palasingsingan ng dalaga. Kunot noong napatingin ito sa kanya.
"P-para saan to?" Takang tanong nito habang nakatingin
sa singsing na isinuot nya.
"I'm proposing. I want you to be my wife." He said
smiling.
Napayuko ito. "B-but I don't know what to answer. I can't
remember anything about you.." Malungkot nitong wika na nagdulot sa kanya
ng sakit.
"Shhh I was just kidding. I know di ka pa ready. I'm always
willing to wait. Sweetie 10 long years nakapaghintay nga ako eh. Pero hindi ko
naman hahayaan mawalay ka ulit sa akin." He kissed her cheeks and hold her
hand again. "Sweetie this ring is yours. Binabalik ko lang. Remember the
last time before you----- left me? Nasa libro yun. Yung nagalit ako dahil akala
ko engaged ka na sa boyfriend mo at tinapon ko bigla ang singsing na galing
pala sa nanay mo. Heto na binabalik ko na." Nakangiti nyang wika dito. Nakatitig
lang ito sa singsing at kinabahan sya ng umiyak ito bigla.
"Hey sweetie stop crying." Halo nya dito sabay haplos sa
pisngi nitong napupuno ng luha. Niyakap nya agad ito ng mahigpit.
"S-sorry.." Rinig nyang wika nito habang umiiyak.
"Shhh don't say sorry please sweetie. Stop crying nasasaktan
ako." Humiwalay ito ng yakap sa kanya at sinubukang ngumiti sa kanya.
Nagulat sya ng halikan sya bigla nito sa pisngi. "Thank you." Kagat
labing wika nito habang sya nakatanga lang. "Sige inaantok na ako. Good
night." Wika nito sabay takbo papasok sa loob ng bahay. Habang sya
nakatulala pa rin. After 10 long years ngayon lamang na ito ang unang humalik
sa kanya kahit sa pisngi lang. Sa isang halik na yun nawala ang sakit na
nararamdaman nya. Napapangiting sumunod na sya sa loob at nag-aalangan man
pumasok sya sa loob ng kwarto nito. Nakita nyang nakapikit na ito. Para itong
anghel. Humiga sya sa tabi nito. Nag-aalangan man ulit niyakap nya ito sa
bewang hinintay nyang magreklamo ito pero kinagulat nya ang ginawa nito. Hinawakan
ng malambot nitong kamay ang kamay nyang nakayakap sa bewang nito. Lumawak ang
ngiti nya. "Good night my love Vienna.." Nakangiting bulong nya
matapos nyang kintalan ng halik ang mabango nitong buhok. Ganto ang buhay na
gusto nya. Sana wala ng katapusan ang kasiyahang nararamdaman nya.
Nagising sya kinaumagahan na wala na ang kanyang mahal sa kanyang
tabi kaya naman kinabahan sya bigla. Dali-dali syang tumakbo palabas papunta sa
kusina kung saan nadaanan na nya ang sala pero wala naman ito doon. Napahinga
sya ng maluwag ng makita ito sa kusina na naghahanda ng almusal.
Nagulat sya ng lumapit ito sa kanya at kintalan sya ng halik sa
pisngi. "Good Morning!" Nakangiti nitong bati pagkatapos. Natulala
sya sa ginawa nito. Napakaaliwalas ng mukha nito. "Tara na kain na
tayo." Hinawakan nito ang kamay nya at pinaupo sya't inasikaso. Nakamasid
lamang sya sa dalaga. "Hinanda ko yan. Come on kain ka na."
Nakangiting wika nito habang nakaupo sa may tapat nya.
"S-sige." Wala sa sariling sagot nya sabay tikim ng sopas
na niluto nito. Napakasarap nyon. Naalala nya tuloy na hindi ito marunong
magluto. "Ang sarap nito. Pano ka natutong magluto? Di ba dati wala kang
hilig? Hay hindi mo pala maalala." He chuckled. "Pero totoo nga wala
kang hilig sa pagluluto."
"Talaga? Wala akong hilig sa pagluluto?" Nangingiting
tumango sya. "Pero grabe ang sarap sweetie."
"Thank you. Masarap talaga yan binili ko lang sa may tindahan
sa malapit eh." Ngingisi-ngisi nitong wika na ikinatigil nya. "Sarap
di ba? Makabili nga ulit ng mapuri ng isang Calyx Lazaro." Pilya nitong
dugtong na ikinangiti nya.
"Tsk di ka pa rin nagbago wala ka pa rin palang hilig sa
pagluluto. Pano na lang ako? Mapupurga ata ako sa mga luto sa labas o kailangan
kong maging Chef husband?" Pagbibiro nya rito.
"Hmm pwedi rin. I like the chef husband."
Ngingiti-ngiting tugon nito. Natuwa sya dahil nakamood itong makiayon sa kanya.
"Ok I will be your Chef husband then. But first you have to
marry me." Pagbibiro nya ulit dito.
"Sure." Sagot nito na ikinatigil nya. Napatitig sya
rito.
"W-what did you say?"
"I said sure. I'm willing to be your wife." Nakangiti
nitong sagot sa kanya.
Napalunok sya at di makapaniwalang tinitigan nya ang nakangiting
dalaga. "Di mo ba ako binibiro Vienna? Naalala mo na ba ako? Bumalik na ba
ang memorya mo?"
"For all your questions my answer is No. Hindi pa bumabalik
ang ala-ala ko but dahil sa libro feeling ko naalala ko na lahat ng meron tayo.
Nararamdaman ko naman na mahalaga ka sa akin kaya buong puso akong maniniwala
sayo. At dahil ramdam ko ang sobrang pagmamahal mo kay Vienna which is ako
kailangan naman suklian ko ang lahat ng paghihirap mo. Yes I'm willing to be
your wife and ako naman ang magsisilibi sa'yo habambuhay." Mahaba nitong
wika na ikinatulala nya at hindi nya mapigilang maging emosyonal sa mga
narinig.
"Hey bakit ka umiiyak?" Nag-aalala nitong tanong sa
kanya. "A-ayaw mo ba ang mga sinabi k-" Hindi na nya ito pinatapos
magsalita. Hinalikan nya ito sa mga labi at sandali ring binitawan. Hinawakan
nya ang makinis nitong mga pisngi.
"Sweetie anong ayaw ko? Gustong gustong gusto ko lahat ng
narinig ko mula sayo. Hindi mo alam kung pano ang sayang idinulot ng mga sinabi
mo. God sobrang saya ko Vienna. I love you so much. Thank you for trusting
me." Naiiyak na wika nya dito at niyakap nya ito ng mahigpit.
Hinaplos nito ang likod nya. "Shhhh stop crying. Siguro
magugulat ang mga tao kapag nakita ang isang Calyx Lazaro na umiiyak. Picturan
kaya kita baka bumenta sa mga babaeng nagkandarapa sayo ikayaman ko pa?"
Pagbibiro nito. Nakasimangot na hinarap nya ito. "Tsk pasaway ka talaga
sweetie. I think ayaw mo na sa akin mukhang handa kang ipamigay ako sa
iba?" Kunway nagtatampong wika nya rito.
"Asus! Tampururut ka naman agad. Nagjojoke lang ako. Sa gwapo
mong yan ayaw ko ngang ishare ka. Dapat akin lang to." Pilya nitong
hinalikan sya sa labi na ikinangiti nya. Tinugon nya agad ang halik nito. Di
mapigilang maglakbay ng kamay nya sa loob ng damit nito. "Hey hey hey! I'm
not your breakfast. Sopas ang breakfast mo at hindi ako kaya kain na Mister
dumadamoves!" Natawa sya sa sinabi nito.
"Tsk 'kala ko makaka score na ako." Pilyong wika nya
saka na ulit kumain. Napakasaya nya talaga. Wala na naman syang ginawa kundi
titigan ito.
"Woi yan ka na naman eh malulusaw na talaga ako sa mga titig
mo.'
"Sorry I can't help. Sobrang ganda mo kasi." Namula ito
sa sinabi nya. "I know." Pakikisakay nito na ikinatawa nya. Masaya pa
silang nagkwentuhan habang kumakain, matapos hinugasan nila ang mga pinagkainan
nila at masayang nag-asaran sa pamamagitan ng paglalagayan ng bula hanggang
mapagod at humiga sa may rocking chair sa labas. Nakakandong ito sa kanya since
hindi naman sila kasya doon.
"Bigat ko no? Tatayo na lang kaya ako kuha akong upuan sa
loob-"
"No stay here." Hila nya dito pabalik sa kandungan nya ng
tatayo na ito. "Mas gusto kong malapit ka sa akin at nararamdaman
kita."
"Naks ang cheesy mo." Namumula nitong wika. "I
know." Panggagaya nya rito kanina. Pinasandal nya ang ulo nito sa dibdib
nya at hinaplos haplos ang maganda nitong mukha. "Sweetie alam mo
nagtataka pa rin ako bakit mo ko iniwan?" Naitanong nya bigla habang
hinahaplos ang mukha nito. Yun naman na kasi ang malaking katanungan nya simula
ng iwan sya nito.
"Sorry..hindi ko pa rin matandaan." Malungkot nitong
tugon.
"It's ok. Masasagot mo rin ako tiwala lang babalik din
memorya mo.."
"Pero pano kung tama ang kutob mo na kaya ako umalis
dahil---- sumama talaga ako sa sinasabi mong bf ko noon. Mapapatawad mo ba
ako?"
Napatigil sya sa tinanong nito. "Yes of course. Hinanda ko na
ang sarili ko sa mga ganyang bagay. Actually pati ang agawin ka kung may asawa
ka na pinaghandaan ko na rin."
Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi nya. "Seryoso aagawin mo
ko?"
"Oo naman. Gagawin ko lahat mapasa akin ka lang ganun kita
kamahal sweetie." Lumawak lalo pagkakangiti nya ng yakapin sya nito ng
mahigpit. Namiss nya talaga ang Vienna nya. Bumalik na nga ito. Ang masungit na
Vienna pero pagdating sa kanya napakasweet nito. Sana palaging ganto kasaya ang
buhay nya kapiling ang babaeng mahal na mahal nya.
PART V.
"Sweetie..sweetie.." Isang napakagandang panaginip.
Isang napakagandang anghel ang ngayon tumatawag sa kanya ng sweetie.
"Sweetie!" Napabalikwas sya ng may kumurot sa pisngi
nya. Muntik na nyang masigawan ang gumawa nun sa kanya pero napakurap-kurap sya
ng marealized kung sinong tumatawag sa kanya. Isang napakagandang babae kahit
nakabusangot pa ang nasa harapan nya ngayon.
"Hay finally you wake up na ang hirap mo palang
gisingin." Nakasimangot na wika nito at nagcrossed arms pa. Ang
cute.
"Bakit ngingiti-ngiti ka habang natutulog ka ha? Don't tell
me nambababae ka sa panaginip mo?" Akusa nito kaya napalawak lalo ngiti
nya. "Aist bakit ka ngumungiti dyan?! Totoo nga nambabae ka-" He shut
her mouth by kissing her soft lips. Tumugon ito sa kanyang halik kaya lalong
lumawak ang ngiti nya. Dahan-dahan na naghiwalay ang mga labi nila makalipas
ang ilang segundo.
"Sweetie I love the way you're nagging me. I feel like we are
a real husband and wife." Nakangiting wika nya rito sabay haplos sa mga
pisngi nito. "And I was smiling while I'm sleeping kasi I thought it was
just a dream that my Vienna was calling me sweetie. Kinilig ako alam mo
ba?" Napangiti ito sa sinabi nya. "At mas kinilig ako kasi nagselos
ka."
Namula ito sa sinabi nya. "Tse hindi kaya ako nagseselos!"
Tanggi nito.
He smirked. "Ah ok hindi ka nga nagseselos sweetie." He
kissed her cheeks tapos bumangon na agad sya na ngingisi-ngisi. "I'll cook
breakfast for my jealous Vienna."
"Woi di nga ako nagseselos!" Parang batang habol nito sa
kanya sa kusina.
"Aha okay nga hindi ka nagseselos." He said smirking.
Lumapit sya dito at hinarap ito at hinawakan ang namumula nitong pisngi.
"Upo ka na dyan. Akong maghahanda ng pagkain natin. Pinasaya mo ko ng
sobra Vienna ko. Please keep on calling me Sweetie. Keep on pinching me every
morning just to wake me up. Keep on nagging me. Keep on being jealous. Keep on
doing things na mararamdaman kong nandyan ka at hinding-hindi mo ko iiwan. I
love so much my Vienna. My sweetie. Do you feel that?"
"Yes I do." Mahina nitong sagot.
"Good girl." Nakangiti nyang sabi dito saka nya ito
inakay patungo sa mesa. "Stay there akong bahala sayo prinsesa ko."
Namula ito sa sinabi nya.
"Ok alipin ko." Nakangisi nitong sabi sabay kiss sa
pisngi nya. Na ewan nya ba daig nya pa ang babae dahil kinilig talaga
sya.
Dumiretso na agad sya sa lababo bago pa sya mahumaling sa babae at
hindi na talaga sila makapagbreakfast.
Ramdam nyang nakatitig ito sa bawat ginagawa nya. "Sweetie
stop staring at me di ako nakapagconcentrate." Pilyo nyong sabi.
"Tse! Itlog at hotdog lang naman yan eh. Tsaka wala kang
magagawa. I love staring at my handsome sweetie." Pilyang balik sagot
nito. Napangisi sya. Bumalik na nga ang pilya nyang Vienna.
"Sweetie wag ka magalit ha nakita ko kasi ang message ng
manager mo. Para na syang magsusuicide pag hindi ka pa nakipagkita sa kanya.
Inaaway na daw sya ng mga endorsement mo. Kaya mamya puntahan mo sya ha?"
"'But sweetie I can't. Hindi kita iiwan. Hayaan mo sila.
Marami namang model dyan eh-"
"But sweetie di ba may contract yun? Sige na tapusin mo na
dapat mo ayusin. I'll be fine." Lumapit sya rito at hinawakan ang mga
malambot nitong kamay na gustong-gusto nyang hinahawakan. "Ok. But promise
me wag kang aalis-" Pinutol nito ang sasabihin nya sa pamamagitan ng
mabilis na halik.
Ngumiti ito sa kanya. "Opo. Dyan lang naman lagi ako at hindi
ako aalis sa tabi mo. Kaya wag ka ng magdrama dyan. At baka magsuicude na ang
pinakamamahal mong gwapong manager-" Binigyan nya rin to ng mabilis na
halik.
"Bakit mo sinabing gwapo ang manager ko na yun? Nagseselos
ako. Baka gusto mong ako mismo ang papatay dun." Nakasimangot nyang sabi.
Piningot nito ang ilong nya. "Tsk seloso mo talaga. Sige na
ikaw na lang gwapo sa paningin ko. Yung luto mo baka gusto mong asikasuhin ayaw
kong kumain ng sunog."
"Sh*t! I forgot!" Mabilis na tumayo sya at natatarantang
pinatay ang gas stove kaya tawang-tawa sa kanya ang mahal nya kaya nahawa din
sya sa tawa nito. Masaya silang nag-almusal kahit sunog pa ang hotdog na niluto
niya.
Pagkatapos nilang mag-almusal nagprisinta itong maghugas ng
pinagkainan nila at pinaghanda na sya nito para sa pag-alis nya na ayaw man nya
sana. Gusto kasi nyang nasa tabi lagi nito. Pero kawawa naman nga ang manager
nyang mataba. Kaya hayun napilitan syang mag-ayos na. Pagkatapos nyang maligo at
makapagbihis pinuntahan nya kaagad ang Vienna nya. Nakita nya itong nanonood sa
may sala. Tinabihan nya kaagad ito at inakbayan matapos kintalan ng halik sa
pisngi.
Napangiti sya ng humalik din ito sa pisngi nya at yinakap sya.
"Hmmm ang bango naman ng sweetie ko." Nakiliti sya ng inamoy amoy sya
nito sa leeg.
"Sweetie I'm warning you stop sniffing my neck baka di ko
mapigilan magkaroon tayo ng junior kaagad." Pilyong warning nya dito na
ikinapula naman ng maganda nyang Vienna.
"Tsk pilyo ka talaga! Ahm dahil mabango ka at ililigtas mo
mula sa suicide ang manager mo." Pagbibiro nito. "May premyo ka sa
akin bago ka umalis!" Masayang dugtong nito.
Ngumi sya rito. "What magha-honeymoon na ba tayo
ngayon?"
"Aist honeymoon agad? Wala pa ngang kasal?" Di
makapaniwalang wika nito na ikinatawa nya.
"Sige kasal na tayo ngayon." Hinarap nya ito at binunot
sa bulsa nya ang isa nyang singsing na lagi nyang bitbit. Pinakita nya dito
iyon kaya nanlaki mga mata nito.
"S-seryoso ka?" Di makapaniwalanag tanong nito habang
nakatingin sa singsing na hawak nya. Nakangiting hinawakan nya ang kamay nito.
"I, Calyx Lazaro. Very much in love with Vienna Caleigh
Nezon. Before I leave this weird apartment of my dear Vienna I would like to
make sure first that she's only mine at hindi na sya makakatakas sa akin ulit.
I promise to love you forever. I will be your loyal husband. Kahit anong
hilingin mo ibibigay ko basta wag mo lang akong iiwan my Vienna. Sobrang mahal
na mahal na mahal na mahal kita Vienna. And now wala ka ng maggawa. Asawa na
kita." Napaiyak ito habang sinusuot nya ang singsing sa daliri nito.
"Accept this ring my love Vienna as a symbol of my eternal love for you. I
will always love you until the day I die. I may now kiss my bride."
Kinintalan nya ito ng halik sa labi na tinugon din agad nito.
"I'm speachless.." wala sa sariling bulong nito matapos
ng pinagsaluhan nilang halik.
"You don't need to say anything. Just always stay with me
wife." He claimed her red lips again. "Your personal vow sa kasal na
lang talaga natin sa simbahan wife kailangan bumawi ka dapat kiligin ako
ha?" Napapangiting tumango ito.
"Ahm wait hubby let me say my vow to you through a
song." Kinuha kaagad nito ang gitarang naroon na mukhang lumang luma na at
bumalik sa pagkakaupo sa tapat nya.
"Hubby wag ka masyadong kiligin ha? Baka di ka makaalis
magsusuicide na talaga ang manager mo." Pilya nitong sabi na ikanatawa nya
bago nagsimulang magstrum ng guitar. Then Calyx Lazaro fell in love more
and more and more with his very beautiful Vienna. Her song is what he
feels for her..
You're the one that never lets me sleep
Through my mind, down to my soul you touch my lips
You're the one that I can't wait to see
With you here by my side I'm in ecstasy
I am all alone without you
My days are dark without the glimpse of you
But now that you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can see
Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I feel the chill inside
Every time I hear our music play
Reminds me of the things that we've been through
In my mind I can't believe it's true
But in my heart the reality is you
I am all alone without you
My days are dark without the glimpse of you
But now that you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can see
Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I feel the chill inside
Your love, your love, won't you give me, your love
"Hey boss! Are you listening?!"
Napapitlag sya sa malakas na kalabog sa mesa.
"What the hell?!" Galit na sigaw nya dito dahil sa
pagkagulat.
"Sir
naman eh what the talaga. Im talking about our dilemmas here bout sa
mga endoresement mong gusto ng pumatay sa akin pero nagdedaydream? Oh wait-----
kayo Sir ngumingiti?! Oh magugunaw na ba ang mundo?! Sir kinasal na ba
kayo?! May babae na bang bumihag sa puso nyong matigas ba parang bato?!"
Nanlalaki ang mga matang tanong ni Manager Choi nya.
"Yes." Ngingiti-ngiti nyang sagot. Hindi nya malimutan
ang nagyari kanina sa kanila. Her Vienna sung him a song that's still playing
on her mind. Tila na Last Song syndrome sya. After that beautiful song of her
she even gave her a kiss. It was a sweetest kiss na muntik ng
mapunta sa kung saan kundi lang nagcall ang bwiset na lalaki sa harap
nya.
"Sir! Ano yung yes? Yes na nagpakasal na kayo? O yes na may
nakabihag pa lang ng puso nyo?"
"Tsk pareho."
"What?!!" Gulat na gulat na bulalas nito.
"N-nagpakasal n-na kayo?! K-kanino?"
"Yes. At ikaw dakila kang istorbo sa buhay ko. So para matuwa
ako sayo call my lawyer, cancel all my contracts and I'll pay everything. Ikaw
na bahala ha? Pupuntahan ko pa ang asawa ko eh." Napapangising nilagpasan
na nya ang manager nyang mataba na wala sa sarili.
"Sir bakit naman di ako invited? Bff tayo di ba?"
Umiiyak na bulalas ng matabang manager ng makalabas ang kanyang alaga for 9
years.
Sa sobrang excited nyang makauwi sa mahal nya at baka matuloy ang
naudlot nilang honeymoon para syang the flash kung magmaneho. Mabilis syang
nakarating sa apartment nito at excited na pinihit ang pinto. Hindi na naman
ito nakalock at sesermonan na talaga nya ito.
"Vienna!" Nakangiti nyang tawag dito. "I'm
here!" Dumiretso kaagad sya sa kwarto pero wala ito doon. Napangiti sya
baka nasa likod ng bahay na naman ito at dinidiligan ang mga naggagandahang
bulaklak doon tulad nito. "Vien-" Napahinto sya sa nabungaran. Natuyo
lahat ang mga bulaklak doon na kaninang umaga ng sinilip nya'y buhay na puhay
pa. Nilibot nya ang paningin sa labas pero wala syang Vienna na nakita.
Dali-dali syang pumunta sa kusina, sa banyo, sa kwarto ulit pero walang syang
Vienna na nakita.
Dali-dali syang lumabas at nanghihinang napaupo sa tapat ng pinto.
"Sh*t! No! Hindi..hindi mo ko iiwan ulit Vienna..Hindi..b-baka bumili ka
lang ulit." Naisip nya biglang tawagan ito pero napatigil sya ng mawala
ang picture ni Vienna na wallpaper nya. Dali-dali syang nagpunta sa gallery
pero ni isa sa mga lihim nyang pinicturan sa dalaga wala na. Kinakabahang
dinial nya ang number nito pero cannot be reach ito.
Asar na gusto nyang ibato ang walang kwenta nyang telepono na sa
tingin nya'y may sira. "Sh*t! Vienna! San ka ba nagpunta? Sabi ko wag ka
aalis di ba?!" Tumatangis na pumasok sya ulit sa loob ng bahay at muli
naghintay.
Umaasa syang may binili lang ito at babalik rin ulit sa kanya pero
lumipas ang maraming oras walang Viennang dumating. Gabi na at nag-aalala sya
pano kung may masamang nangyari dito? Umalis kaagad sya ng apartment at sumakay
ng kanyang sasakyan para hanapin si Vienna pero hindi nya to nakita. Kaya
nanlulumong bumalik sya ulit sa apartment.
"Hijo di ba ikaw yung sikat na modelo? Bakit ka narito?"
Tanong ng isang tanod.
"Hinihintay ko po ang asawa ko. Di po sya nakatira. Si
Vienna. Nakita nyo po ba sya Manong?"
"Ano bang pinagsasabi mo dyan hijo. Wala namang nakatira dyan
eh. Abandonado ang apartment na yan. Ang sabi-sabi may multo nga raw nakatira
dyan kaya iniiwasan ng mga tao na dumaan dito. Hay di ka ba natatakot. Aalis na
ako. Ako'y natatakot eh." Tumalilis kaagad ito ng takbo na ikinanuot ng
noo nya. Bakit ba sinasabi nilang walang nakatira sa bahay eh meron nga. At ang
Vienna nya yun.
Nanlulumong pumasok sya sa madilim na bahay. Bubuksan na sana nya
ang ilaw pero pundido ito. Napufrustrate na pumasok na lang sya sa
loob kahit madilim. Hihintayin nya pa rin ang Vienna nya doon.
Napapitlag sya ng may biglang tumawag. Akala nya si Vienna na pero
hindi pala.
"Hello?”
"Sir natapos ko na po ang pinapagawa nyong imbestigasyon.
Gusto nyo na po bang malaman or magkita-"
"No. Sabihin mo na ngayon ang report mo. Wala akong lakas
para makipagkita pa sayo."
"Sige po Sir. April 21, 2006 4:30pm, 10 years ago. May
naganap na isang malaking aksidente sa may Highway sa Baguio. Sinasabing
kinidnap ng lalaki na nagngangalang Kerson ang kanyang kasintahan noon na si
Vienna. Ngunit marahil sa pag-aaway nila di nila napansin ang paparating na
truck kaya bumangga sila rito at tumilapon ang kanilang kotse at nahulog ito sa
bangin na sanhi ng pagkamatay ng dalawang taong nasa loob ng kotse. Kerson
Adelande at Vienna Caleigh Nezon ay parehong nasawi ng araw na
yun."
Nanghihinang nabitawan nya ang hawak na telepono sa mga narinig.
Patay na ang Vienna nya? Isang multo na lamang ang nakasama nya? Kaya ba bigla
itong nawawala? Kaya ba lagi itong nakaputi? Kaya ba sinasabi nilang walang
nakatira dito sa apartment. Dahil wala na talagang nag eexist na Vienna? No!
Hindi pwedi! B-buhay pa ang Vienna ko!
"No Vienna! Nagkakamali sila buhay ka pa di ba! Please come
back! Vienna.." nanghihinang napasubsob sya sa may sofa kung san sila
laging magkayakap ng mahal nya. Walang humpay ang kanyang pagtangis.
"Vienna please come back to me..gusto na kitang yakapin. I
told you just keep on calling me Sweetie. Keep on pinching me every morning
just to wake me up. Keep on nagging me. Keep on being jealous. Keep on doing
things na mararamdaman kong nandyan ka at hinding-hindi mo ko iiwan. I
love you so much my Vienna. My sweetie. Please come back.."
Nagulat siya ng may yumakap sa kanya. Malamig iyon. Dahan-dahan
syang tumingala at nabungaran nya ang mahal nya. "Vienna!" Umiyak sa
tuwang bulalas nya ngunit nawala ng hindi nya ito mahawakan. Tumatagos ang
kamay nya dito.
Ngumiti ito sa kanya. Hinaplos nito ang mukha nya at pinunasan ang
mga luha nyang walang humpay sa pagpatak. "Sweetie wag ka na umiiyak. Ayaw
mo ba akong matahimik? Nakulitan na nga sa akin ang mga nasa langit kaya ako
pinagbigyan na makasama ka. Di ako matahimik dahil sayo. Kaya hayun pinagbigyan
ako na mabuo natin ang hiling mo na madugtungan ang sad ending ng libro-"
"But sad ending pa rin to sweetie..napakasakit na katotohanan
na sana panaginip na lang-"
"Shhh wag mo isipin yun. Ambait nga ni Bro binigyan nya tayo
ng chance na madugtungan ang love story natin. Idugtong mo yung bumalik ako
hanggang sa ikinasal tayo sa sofa na to. Sige na idagdag mo rin yung mga
kapilyahan ko. Yung pagnanakaw mo rin ng halik sa akin habang tulog ako. Gusto
ko hanggang sa pagkanta ko lang ang ending nun huwag na huwag mong idagdag ang
pagkawala ko. Yun ang pakiusap ko sayo sweetie. Gusto ko na ring magpahinga.
Baka mabwiset na sa akin mga nasa langit di na ako tanggapin dun." She
chuckled. "Bye sweetie be strong. I love you so much. Ikaw na bahala sa
kwento natin ha? Bye sweetie. Smile." Nakangiti nitong huling wika sabay
halik sa mga labi nya. Pumikit sya at dinama ito ngunit sa muling pagbukas ng
mga mata nya. Wala na ito. Wala na ang mahal nya. Napakatahimik na ng buhay
nya. Tulad ng mga ilaw na napundi. Nawala na rin ang ilaw nya. Napakadilim na
uli ng buhay nya. Pano pa sya babangong muli?
"Sir ang galing! Best seller na naman ang part two ng book
nyo at heto pa mas dumoble pa ang kita ngayon! Sir hindi ko akalaing
napakagaling nyong writer! Sir may interview po kayo mamya. At siguro
hahalungkatin na naman kung pano nyo nabuo ang kwento nyo? Nasan na ngayon ang
asawa nyo? Bakit pinakatatago nyo daw sya tulad ng kasal nyo. Sir naman di namn
namin sya aagawin eh pakita nyo naman sya sa akin please."
"Shut your mouth my dear crazy manager Choi tabachoy."
Tumayo na sya para umalis. After a few months tinupad nya ang kahilingan ng
babaeng mahal nya. Tinuloy nya ang kwento nila hanggang doon lamang sa kasal
nila. Walang ibang nakakaalam ng tunay na ending ng love story nila.
"Sir san kayo pupunta? Magcelebrate po tayo para sa success
ng libro nyo!"
Lumapit sya sa manager nyang laging nakangiti. "Magcelebrate
ka mag-isa mo. Sayo na lahat ng kayaman ko. Gastahin mo hanggang tumaba ka pa
lalo. Basta ipangako mo sa akin magpakataba ka pa lalo wag mong pababayan ang
sarili mo. At wag kang magpapaloko sa mga gold digger. Gamitin mo sa maayos ang
pera ko ha naiintindihan mo? Kundi patay ka sa akin!"
"Haha Sir. Lakas ng trip nyo ngayon. Wag nyo ko binibiro baka
maniwala ako sayo."
He smirked at him. "Bye my dear manager Choi
Tabachoy."
Nagulat ito ng niyakap nya ito. "Ang taba mo talaga
haha." Pagbibiro niya matapos nyang yakapin ng mahigpit ang mataba nyang
manager na naguguluhan sa kanya.
"Go ahead magcelebrate ka na. Huwag kang umiyak kasi ampangit
mo. At ang bilyonaryo hindi umiiyak kahit anong mangyari. Bye manager.
Magcecelebrate ako with my wife. Bye!" Nakangiting paalam nya sa kanyang
manager na naweweirduhan na talaga sa kanya.
Kipkip ang libro nya na may happy ending sumakay na sya ng
sasakyan nya na laging ginagamit sa tuwing dadalawin nya ang mahal nya noon.
"Sweetie I miss you badly. I want to be with you every single moment in my
life." Siguro nga ang pagmamahalan nila ay hindi parang fairy tales may
happy ending. Pero malaki ang pasasalamat nya na binigyan ng kahit kaunting
pagkakataon na magkasama ulit ng mahal nya.
Pero hindi sapat sa kanya ang sandaling panahon na yun. Hindi nya
kayang hindi nakikita ang mahal nya. Kahit isang segundo lang para na rin syang
mamatay.
"Hintayin mo ko mahal. I love you My love Vienna.."
Nakangiting bulong nya bago mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Isang malakas
na kalabog ang gumulat sa lahat.
"Sweetie I love you too." Rinig nyang bulong ng isang
napaka familiar na malambing na boses bago tuluyang pumikit ang mga mata nya.
"Seryoso
attorney?! Pinamana sa akin lahat ni Calyx ang kayamanan nya?! Hahaha ang
galing mong magbiro. May balak ka bang maging comedian atty? Haist! Ang weird
naman ng mga tao ngayon." Nagring bigla ang phone nya. Kaya nag excuse
muna sya sa kausap na Attorney.
"Hello!-"
"Manager Choi! Si… Calyx Lazaro…
“…He’s dead.."
Nabitawan
nya ang cellphone na hawak. At nagflashback sa utak ang huling sinabi ng
alaga..
"Bye my dear manager Choi Tabachoy. Ang taba mo talaga..
Huwag kang umiyak kasi ampangit mo. At ang bilyonaryo hindi umiiyak kahit anong
mangyari. Bye manager! "
Tumulo ang kanyang mga luha at tuluyang nahimatay na lang ang
matabang manager.
His Ghostwriter
By: Angel C.
(c) 2016
Comments
Post a Comment