BAKBAKAN
Sr. Bookkeeper na si YAYA! Kwento ni Ganda. Pakinggan mo mona Maganda lang ako. Pero mahirap ang buhay. Reality eh. Sa kabila ng morena kong balat may kaputian pa rin at liwanag ang life ko po no. Papatunayan ko yan sa pang-mmk ko pong kwento. Dear Ma’am Charo, Ako po si Zel. Hindi po ako pinanganak na mayaman. Probinsyana lang po ako doon sa lugar na puno ng bakbakan. Doon po sa Sultan Kudarat ang aking probinsya. Isang araw po kinuha ako ng kabaryo namin na sinuwerteng makapag asawa ng mayaman. Labing pitong taong gulang lamang po ako noon. Sa kabila po ng takot at pangamba dahil mahihiwalay po ako sa aking mga magulang linakasan ko po ang aking loob. Hayun sinama po ako ng magiging amo ko sa probinsya ng Pampanga. Nagsilbi po ako sa kanila. Naging yaya po ako ng babae nilang anak. Bilang bata pa po ako noon, habang hinahatid sa eskwela ang aking alaga minsan naiinggit po ako at naiisip ko sana makapag aral din po ako ng kolehiyo at magkaroon ...