ANICA - Chapter 2

Annica waited for her bestfriend's call until morning. Nag-alala na kasi sya kaya sya ng tumawag kinaumagahan. "Hello bff bakit di mo na ako tinawagan? Nag-alala ako sa'yo. Ayos ka lang ba? Nagpakapuyat ka ba? Bff bawal sa'yo yun. Uminom ka ba ng gamot mo?" Sunod-sunod na tanong nya dito.

 

"Oh my g! I am so sorry bff. Napuyat ka ba? Pinag-alala ba kita ng sobra? I'm really sorry nakalimutan ko kasi super saya ko kagabi nakasama ko sya! I am totally fine so stop worrying ok? I am so sorry please huwag ka magalit sa akin-"

 

Napangiti sya sa narinig. "Shhhh bakit naman ako magagalit sa'yo? Huwag ka mag-alala maaga akong natulog kagabi kasi alam ko naman masaya ka dahil kasama mo ang prince charming mo."

 

"Oo nga bff grabe ansaya-saya talaga kagabi! Alam mo ba ako lang ang sinayaw nya buong gabi. Grabe ang gwapo nya teka isesend ko sa'yo ang pic naming dalawa." Bakas sa boses nito ang kasiyahan kaya masaya na rin sya para dito. She received their picture smiling together. 

 

"Wow bff ang ganda mo talaga dito! Kaya pala nagayuma mo ang g-gwapong prince charming mo. Bagay kayo." She bites her lower lip because something is about to explode.

 

"Hay grabe bff super gwapo nya di ba? Sana makilala mo na sya sa personal. Tapos papakita ko rin sa'yo yung class pic natin nung mataba pa sya. Naku sana madalaw mo ulit ako dito. Hay kung ako na lang kaya dumalaw dyan?"

 

"No!" Awat nya dito. "I mean..no need ako na lang ok? On monday I will be there wala kaming pasok noon." 

 

"Waaah sige bff! Excited na akong makasama ka. Marami akong kwento sa'yo!" 

 

"Ah..sige bff save your kwentos muna sa pagkikita na lang natin doon mo na lang ikwento. Sige bye bff cr muna ako masakit tyan ko. Love you!"

 

"Yan kasi matakaw haha. Sige bye bff! Love you more!" Napapangiting binaba nya na ang tawag. Napahawak sya kanyang ulo dahil parang binibiyak ito. She inhaled and exhaled to calm herself. She drinks her med and closed her eyes trying to ease the pain. She cried overnight. Nasobrahan na naman sya sa puyat sa kakabasa para panandaliang makalimutan ang lalaki kaya hayan sumasakit ang ulo nya. Pag nalaman yun ng mommy nya macoconfiscate na talaga ang mga gadgets nya.

 

The next day which is Monday she feels very excited. "Kuya Totoy samahan nyo ko sa Makati tara na po para makabalik tayo agad." 

 

"Naku bata ka hayan ka na naman kakauwi mo lang eh inihabilin ni Ma'am na bawal na bawal kang lumabas-"

 

Napanguso sya bigla. Oo binawalan syang magliwaliw ng mommy nya pero walang makakapigil sa kanya. Sya si Anica pabebe. "Please po kuya Totoy payagan nyo na po ako naboboring na ako dito sa bahay eh sasakit lalo ulo ko kasi sige magbabasa na lang ako buong maghapon-"

 

"Tawagan mo na lang sya mabuti pa-"

 

"Ayaw ko kuya Totoy gusto kong makasama sya. Ayokong mag-isa sya kaya kailangan kong masiguro na may kasama sya at ok lang sya doon. Miss na miss ko na sya please alam mo naman kung gaano ko yun kamahal. Sya yung nagpapasaya sa akin di ba kasi mahal nya mga kalokohan ko. Alam mo yun kuya Totoy." Nagmamakaawang pakiusap nya dito.

 

Napakamot sa ulo si Kuya Totoy. "Aist naku ikaw talagang bata ka porke alam mong hindi kita matatanggihan woh. Sige na nga halika na. Bilisan mo lang baka dumating bigla ang mommy mo." Kasalukuyang nasa Baguio ang mommy nya para ayusin ang isa nilang branch doon. Buti na lang wala ito kundi di sya nito papayagan. Napakahigpit kasi nito sa kanya. Her mom is a dentist habang tinutulungan rin nito ang ama nya na namamahala ng sarili nilang kumpanya na sa ibang bansa. Doble kayod talaga ang mga magulang nya kahit nag-iisa lang syang anak ng mga ito dahil maraming gastos. 

 

"Thank you kuya Totoy! You're really the best!" Nakangiting niyakap nya ito. Her partner in crime since she was a little kid. Napangiwi sya ng matamaan ang pasa nya sa braso na hindi pa naghilom hanggang ngayon. Napaka-clumsy kasi nya.

 

"Hay naku eto na nga ba ang sinasabi ko. Hindi ka pa ata ok kaya wag na tayong umalis-"

 

"Uuuups! Joke lang!! Kuya Totoy talaga ang oa! Haha tara na nga!" Natatawang sumakay na sya sa kotse. She tried na huwag mapangiwi kahit ang sakit ng natamaan nyang pasa baka kasi maging oa na naman si Kuya Totoy. Kayang-kaya nyang indahin yun. She's Anica Marie Reyes stronger than a carabao.

 

       Andrei James Santiano, the only son of a multi-millionaire businessman, a perfect definition of tall, tisoy and handsome man, a basketball varsity player and every girl dream man is still madly in love with his ex but he knows she loves her bestfriend more than she loves him. Gustong-gusto nyang suntukin ang lalaking yun dahil inagaw nito sa kanya pero wala syang karapatan dahil sya na mismo ang pumili sa pagitan nilang dalawa. Hindi naman madaling mag-move on pero sinusubukan nya. Ibinabaling na lang nga nya ang atensyon sa ibang bagay at sinusubukan sa ibang babae. Sa tingin nya si Mikaela ang makakatulong sa kanya para makalimot. She's very beautiful, she's caring, loveable and she's like a princess, a true epitome of beauty and he thinks he likes her. Ngayon nga'y napag-isipan nyang magpaalam na ditong ligawan ito. Nangunot ang makinis nyang noo ng mapansin ang maliit ngunit napakagandang babaeng pamilyar na pamilyar sa kanya. Tama ba ang nakikita nya? Is that Anica? Natanong nya sa sarili kung bakit nandoon ito sa campus nila? Hindi kaya taga doon rin ang kinaiinisan nyang bestfriend nito na hindi pa man nya nakikita ay kumukulo na ang dugo nya dito dahil inagaw nito sa kanya ang kasintahan. 

 

Di nya alam pero namalayan na lang nya na nilalapitan nya ito at di mapigilang yakapin dahil sa sobrang pangungulila dito. Sa totoo lang hindi sya handang isuko ito kahit kanino. He really missed her so much. Nagulat ito sa ginawa nya at nanlaki ang mga bilugin nitong mga mata ng makilala sya. Gustong-gusto nyang pinagmamasdan ang mga mata nito.

 

"James? B-bakit ka nandito?" Gulat at nauutal nitong tanong.

 

Hinawakan nya ang magkabilang mapula at makinis nitong pisngi. "Baby ako dapat magtanong nyan bakit ka nandito? God, I missed you so much. It's been two hell months since I saw your pretty face? B-bakit ayaw mo kong kausapin? Bakit mo ko pinagtataguan? Why did you break up with me? Why?"  Sunod-sunod na tanong nya. Hindi nya mapigilang maging emosyonal sa muling paghaharap nila. Dahil biglaan ang pananakit nito sa puso nya. She texted him those heartbreaking words na 'break na tayo dahil narealize ko may mas mahal akong iba' that made his world collapsed in an instant. He went to their house after he received her message, but her mom words really broke his heart. 

 

She said, "Hijo tigilan mo na ang anak ko..she said she doesn't love you anymore. I'm sorry hijo but mas mahal nya ang- may mas mahal syang iba. Pakawalan mo na sya igalang mo ang desisyon nya. Huwag ka ng bumalik dito para wala ng gulo." 

 

And now the silence of the girl he loves really breaks his heart even more. Hinawakan nya ito sa magkabilang balikat at tinitigan ang maganda nitong mukha. "Anica please answer me. T-totoo ba ang lahat ng sinabi mo na hindi mo na ako mahal? D-dahil mas mahal mo na ang mang-aagaw mong kaibigan!"

 

Tumingin ito sa kanya at kinompronta sya. "Hindi mang-aagaw ang bff ko! Wala syang kasalanan! It was me. It's my decision so stop blaming my bestfriend!" Walang emosyong sigaw nito. Labis ang sakit at inis na naramdaman nya sa sinabi nito. Dahil pinagtatanggol pa nito ang ibang lalaki sa harapan nya.

 

"Ang sakit A-anica. Ang s-sakit..sakit malamang mas mahal mo sya kesa sa akin. Ako alam mo namang mas mahal kita sa bestfriend ko di ba? Mas mahal na nga kita kesa sa mga parents ko and I'm willing to give everything to you yet..you choose your bestfriend over me!" Niyugyog nya ito dahil gusto nyang matauhan na ito na sya talaga ang mas mahal nito. "Ano bang meron sa kanya na wala ako?! Tell me gagawin ko b-baka sakaling mahalin mo ulit ako ng higit sa kanya.." He's crying, and he doesn't care kahit magmukha syang tanga because since the day she broke up with him nasasaktan at nagagalit na sya! Ganon siguro talaga ang magmahal di ba? Nakakatanga. Nakakasakit. Nakakagalit.

 

"I told you stop blaming my bestfriend. Just please accept my decision if you really love me hayaan mo ko sa desisyon ko m-mas magiging masaya ako pag tinigilan mo na ako and ikaw stop comparing yourself from others well you are perfect ang mali lang sa'yo ang m-mahalin mo pa ako dahil sasaktan lang kita kaya ikaw maghanap ka ng iba yung laging nandyan para sa'yo..yung ipaglalaban ka..yung mas mamahalin ka at yung hinding-hindi ka iiwan at hindi ka sasaktan hanggang sa pagtanda n-nyo.." Naluluhang litanya nito sa kanya na labis na nagdulot ng sakit sa damdamin nya. He suddenly felt her hand touching his shoulder. "...at hindi ako yun. M-malay mo nasa tabi mo lang sya." She chuckled while crying. 

 

Nakaramdam sya ng panibugho sa mga salitang binitawan nito. He looked at her angrily and hold her shoulder tightly kaya napangiwi ito. "I-ito ba talaga ang gusto mo? Ang pakawalan ka ba ang magpapasaya talaga s-sayo?! Tell me Anica! Ito ba ang gusto mo ang pakawalan ka para maging masaya ka sa piling ng iba?! Ha?!" Silently he's praying she'll answer no.

 

"Oo yan ang gusto ko! Let me go. Move on. Just be happy. That's all I'm asking for." She bites her lower lip to stop herself from crying. She looks vulnerable and he can't help but to hugged her tightly. Galit sya at sobrang nasasaktan. And he thinks hugging the girl who cause him pained will ease the pain kahit kaunti lang. How ironic right? The person who's hurting him is also the same girl who can ease his pains.

 

Sinubukan nitong magpumiglas pero niyakap nya pa ito ng mahigpit lalo para hindi makawala. "Please last na ito. This is my goodbye hug." He said crying and pleading that he never did in his whole life only to the girl he loves most next to his deceased mother. Hanggang maramdaman nya ang pagganti nito ng yakap habang iyak sila ng iyak. They remained silent with that position. Feeling her for the last time. Loving can really hurts. Bakit naging ganoon ang supposedly love story nila? Bakit naging ganon kasakit? Bakit nagbago bigla ang babaeng mahal na mahal nya?

 

"Bff!"

 

Naramdaman nyang nanigas bigla ito habang yakap nya ng may tumawag na pamilyar na boses. Napatingin silang dalawa sa tumawag. Si Mikaela ang kanilang nabungaran na di maipinta ang mukha. She's crying at galit na nakatingin sa kanila. 

 

"Bff wait!" Mabilis namang tawag ni Anica kay Maria na tumakbo na lang bigla palayo. Sinundan nito ang umiiyak na dalaga. Samantalang sya naguguluhan sa nangyari. Magkakilala ang dalawa? Bff ang tawagan nila?

 

Bigla kumudlit sa isipan nya ang isang ala-ala. "I like you.." Mikaela confessed to him.

 

Napagtagpi-tagpi nya ang nga pangyayari sa pagitan nilang tatlo. They were calling each other bff. So Anica's bestfriend na pinagseslosan nya ay walang iba kundi si Mikaela. Does it mean nakipagbreak sa kanya si Anica dahil gusto sya ng bestfriend nito?! Napamura sya bigla sa inis. Bakit ganun? Nagdesisyon ito para sa kanya ng hindi man lang tinatanong kung gusto nya ba? Bakit ganun kadali dito ang saktan sya para sa bestfriend nito? Ganun ba sya ka walang kwenta dito kumpara sa kaibigan nito?! Ganun ba kahirap kalabanin ang pagmamahal nito sa kaibigan?! Wala ba talaga syang laban?

 

"Aaaaah damn!" Nagagalit na sinuntok nya ang puno. Nanghihinang napasandal sya doon. Galit sya. Galit sya kay Anica. Nahiling nya na sana puno na lang sya ng hindi sya nasasaktan ng sobra tulad ngayon.


Next Chapter👉

👈Previous Chapter

Comments

Popular posts from this blog

Undress My Love

My Posessive Ex-Crush (Ongoing)

Secret Love Song