Posts

Showing posts from April, 2016

ANICA - Chapter 2

Annica waited for her bestfriend's call until morning. Nag-alala na kasi sya kaya sya ng tumawag kinaumagahan. "Hello bff bakit di mo na ako tinawagan? Nag-alala ako sa'yo. Ayos ka lang ba? Nagpakapuyat ka ba? Bff bawal sa'yo yun. Uminom ka ba ng gamot mo?" Sunod-sunod na tanong nya dito.   "Oh my g! I am so sorry bff. Napuyat ka ba? Pinag-alala ba kita ng sobra? I'm really sorry nakalimutan ko kasi super saya ko kagabi nakasama ko sya! I am totally fine so stop worrying ok? I am so sorry please huwag ka magalit sa akin-"   Napangiti sya sa narinig. "Shhhh bakit naman ako magagalit sa'yo? Huwag ka mag-alala maaga akong natulog kagabi kasi alam ko naman masaya ka dahil kasama mo ang prince charming mo."   "Oo nga bff grabe ansaya-saya talaga kagabi! Alam mo ba ako lang ang sinayaw nya buong gabi. Grabe ang gwapo nya teka isesend ko sa'yo ang pic naming dalawa." Bakas sa boses nito ang kasiyahan kaya masaya na rin sya para d...