ANICA
Chapter
1
"I can have your
body but damn! Having your body now means losing you forever!"
Prologue
Halos lumabas na ang ugat ni Anica sa leeg sa inis habang parang
batang patalon-talon at pilit inaabot ang kanyang cellphone mula sa nakataas na
kamay ng matangkad na lalaking nasa harap nya na tila tuwang-tuwa sa pang-iinis
sa kanya.
"Andrei bitaw nga! Di ka nakakatuwa! Akin na cellphone
ko!" Naiinis nyang sigaw dito ngunit ubod ngisi lamang ang itinugon nito
sa kanya. Lalo syang nainis dahil sa pagngisi nito sa kanya na tila tuwang-tuwa
talaga na pinaglalaruan sya sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay nito na may
hawak ng cellphone para hindi nya maabot dahil sa tangkad nito at halos umabot
lamang sya may dibdib nito. Mabuti na lamang at walang tao sa parking area kung
saan sila.
"Baby you can't get your cp unless you will kiss me first for
about two minutes after calling me James again." Pilyong wika nito na
nakangisi pa rin sa kanya. Di nya mapigilang mamula dahil sa sinabi nito.
Pinaglalaruan talaga sya ni Andrei. Marahil dahil sa galit nito sa kanya kaya
ngayon gusto sya nitong gantihan.
"Andrei pwede ba! Hindi ako nakikipaglaro sayo! Kaya please
bigay mo na sa akin yan!" Pasigaw nyang wika dito para malaman nyang di na
sya natutuwa sa pagiging pasaway nito.
"Why baby? Ayaw mo ba ng laro? Eh bakit ikaw pinaglalaruan mo
ang damdamin ko?" May galit sa tonong wika nito kaya naman sapul sya sa
sinabi nito.
"A-Andrei balikan mo na si Maria. Di mo dapat sya iniwan!
Bahala ka sa'yo na cellphone ko basta balikan mo sya!" Naiinis na tulak
nya dito sabay lakad palayo. Pero bago pa sya makalayo laking gulat nya ng
hinablot sya nito bigla sa kamay sabay tulak sa kanya sa may pader kaya
napasandal sya at ikinulong sya kaagad nito sa pamamagitan ng matipuno nitong
katawan. He cornered her. Napalunok sya ng makita ang galit sa mga titig nito
sa kanya kaya yumuko kaagad sya. Hindi nya kayang salubungin ang mga
nagbabagang tingin nito sa kanya.
"A-andrei pwede ba tigilan mo na ako. B-balikan mo na si
Mari-"
"Maria! Maria! Maria! Will you please stop mentioning her
name kahit ngayon lang! Ganyan ka ba kasama at kahit ang ibigay ako sa kanya na
parang basura nagagawa mo ha?!!" Galit na galit na sigaw nito sa kanya na
ramdam na ramdam nya ang hinanakit at galit sa bawat salita nito.
"Oo." Walang emosyong sagot nya dito. Naramdaman nya ang
pagluwag nito sa pagkakaipit sa kanya sa may pader at ang panghihina nito.
Naramdaman nya ang pagbagsak ng ulo nito sa may leeg nya at ang mainit nitong
paghinga. Di nya alam ang i-re-react o sasabihin? Nanigas sya sa kinatatayuan
dahil sa ginawa nito. Ramdam na ramdam nya ang mabigat at mainit nitong
paghinga. Napangiwi sya ng bigla'y marahan sya nitong kagatin sa leeg kaya
naitulak nya ito. Pero dahil malakas ito di man lang ito napalayo sa kanya bagkus
lalo pa nitong inilapit ang katawan nito sa kanya. Galit na tumitig ito ulit sa
maganda nyang mukha.
Huminga sya ng malalim at muli lakas loob na nagsalita.
"Andrei please..balikan mo na siya.." Lakas loob na pakiusap nya ng
maalalang baka mag-isa lang ang kaibigan doon at naghihintay kay Andrei o sa
kanilang dalawa. Baka dumugin ito doon dahil nga kilala na itong modelo o worst
baka bastusin ito.
"A-andrei I'm begging you balikan mo na si Maria baka
bastusin sya o kaya naman dumugin-" Di nya na naituloy pa ang anumang
sasabihin dahil naiwan na lamang sa utak nya ang lahat ng pakiusap nya ng
sakupin nito ang mapupula at malambot nyang labi. Nagulat talaga sya. He's
kissing her na para itong uhaw na uhaw. Muntik na syang mapapikit dahil sa
nakakaliyong dulot ng halik nito na namiss nya talaga. Pero dagliang kumudlit
sa isipan nya ang kaibigan kaya ubod lakas na tinulak nya ito ulit but he
claimed her lips again. Sinubukan nya ulit itong itulak pero napakalakas nito.
Gustong-gusto nya ng magpainuhod sa mga halik nito pero pinilit nyang pigilan.
Hindi talaga sya tumugon. She keeps on pushing him away hanggang binitawan na
sya nito at galit na lumayo sa kanya at sinuntok ng malakas ang hood ng isang
kotseng nandoon na ikinagulat nya.
"Andrei!" Nag-aalalang dinaluhan nya kaagad ito. Nabalot
ng pag-aalala ang puso nya ng makitang dumugo ang kamay nito.
"Andrei bakit mo sinuntok? Yung kamay mo dumudugo!"
Natatarantang kinuha nya ang kamay nito na may dugo. Pero nagulat sya ng
biglang higpitan nito ang paghawak sa isa nyang kamay. "A-andrei
nasasaktan ako.." daing nya. Napalunok sya ng masalubong ang mga galit
nitong titig sa kanya.
"Tsk nasasaktan? Akala ko manhid ka? Walang puso para itapon
mo na lang ako at ipamigay sa kaibigan mo na parang walang kwenta!"
"A-andrei hindi-ouch!" Muling daing nya ng pinisil pa
nito lalo ang malambot nyang kamay.
"Nagagalit ako sa'yo! Gusto kitang saktan dahil pinaglalaruan
mo ko! Pero hindi ko magawa dahil mahal talaga kita eh! Oo mahal na mahal kita
Anica! Ano masaya ka ba para akong tangang hinahabol ka pa kahit pinagtatabuyan
mo na ako?!"
"Andrei.."
"Anica I hate you!"
Tuluyan na syang napaiyak sa tatlong salita na binitawan nito na
parang milyong-milyong karayom na tumusok sa puso nya. Gusto nyang bawiin nito
ang mga iyon. Pero tanga ba sya? Pinili nya ang ganto kaya bakit sya
nasasaktan?
Mapait na napangiti sya. "T-tama yan Andrei. Hate me dahil di
ako karapat-dapat sa'yo."
"Yan ba ang gusto mo Anica? Ang ipamigay ako? Ang kamuihan
ka? At mahalin ko ang taong gusto mong mahalin ko? Ang gawin akong laruan
mo?"
"Andrei hindi kita gustong paglaruan-"
"Damn! Yun na nga ang ginagawa mo eh! O sige kung yan ang
gusto mo susunod ako sa gusto mo. Wala eh tanga lang mahal pa rin kita. Kaya
your wish is my command. Mamahalin ko ang kaibigan mo dahil yan ang GUSTO
MO!" Puno ng galit na sigaw nito.
Napayuko sya para sana itago ang tuluyang pag-agos ng mga munting
butil sa kanyang mga mata. Garalgal ang boses na nagsalita sya.
"S-salamat.." Tanging salitang nasambit nya dahil sa sobrang sakit ng
nararamdaman nya ngayon.
"Pero kung susundin ko ang gusto mo kelangan may kapalit para
fair naman di ba?" Nakangisi nitong wika mayamaya.
Napatingin sya sa lalaki at lakas loob na sumagot dito.
"A-ano? Ano namang kapalit? S-sige kahit ano basta huwag mo lang saktan
ang kaibigan ko." Bumalatay ulit ang galit sa mga mata nito.
"I don't like anything. Ikaw ang gusto ko." Nanlaki ang
mga mata nya sa sinabi nito at gulat na kinompronta ito. "Andrei! Kala ko
ba mamahalin mo na si Ma-"
Hindi nya na natuloy pa ang anumang sasabihin ng dahil sa sinabi
nito na tila nagpaguho sa mundo nya. "Tomorrow night. Eight pm at my
condo. I WANT YOU. Yun ang kapalit." Nalaglag ang mga balikat nya sa
sinabi nito bago sya tuluyang tinalikuran.
ANICA
By: Angel C.
Date Written: 2019
Not Edited
Comments
Post a Comment